^

PSN Palaro

Durant nagbida sa panalo ng Thunder

-

OKLAHOMA CITY -- Nasungkit ng Oklahoma City ang kanilang pang-10 panalo sa huli ni­­­lang 11 laro matapos ta­­lunin ang New Orleans Hornets, 101-91, sa likod ng 25 points ni Kevin Durant.

Ngayon ay maglalaro naman ang Western Conference leaders sa labas ng kanilang tahanan.

Makakaharap ng Oklahoma City sa kanilang mga road games ang Golden State, New Jersey at Boston.

Ang panalo ang nag-angat sa Thunder sa 15-3, ang best record sa West sa kabila ng 21 turnovers ng Oklahoma City at masamang laro ni guard Russell Westbrook.

Nagtayo ang Oklahoma City ng isang 14-point lead sa first half hanggang makalapit ang New Orleans sa 81-83 agwat sa 9:07 sa fourth quarter.

Ang back-to-back shots ni Westbrook, tumapos na may 14 points mula sa kanyang 4-of-14 fieldgoals, ang muling naglayo sa Thunder laban sa Hornets patungo sa kanilang tagumpay.

Sa Chicago, kumana si Danny Granger ng 22 puntos at nagdagdag si Roy Hibbert ng 20 puntos upang banderahan ang Indiana Pacers sa 95-90 pananaig laban sa home team.

Sa San Antonio, nagtu­long sina Matt Bonner at DeJuan Blair sa pagkama­da ng tig-17 puntos upang bitbitin ang Spurs 105-83 tagumpay laban sa Atlanta Hawks.

Sa Dallas, naglista si Kevin Love ng 31 puntos at 10 rebounds at ipinagdiwang ang kanyang pagpirma ng bagong kontrata matapos manguna sa 105-90 panalo ng Minnesota sa labas ng kanilang bakuran laban sa Mavericks.

Sa iba pang laro, nanalo ang New Jersey sa Philadelphia, 97-90 sa likod ng 34 puntos ni Deron Williams.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

DANNY GRANGER

DERON WILLIAMS

GOLDEN STATE

INDIANA PACERS

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

MATT BONNER

NEW JERSEY

OKLAHOMA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with