^

PSN Palaro

RP wagi sa Malaysia, may tiket na sa finals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kumawala ang tunay na paglalaro ng pambansang koponan sa kababaihan sa second half upang kunin ang 59-39 tagumpay sa 5-time champion Malaysia sa pagpapatuloy kahapon ng 7th SEABA Women Cham­pionship sa Ninoy Aqui­no Stadium.

Dominado ng Pilipinas ang kabuuan ng laban da­hil hindi nakatikim ng ka­lamangan ang bisitang koponan ngunit sa hu­ling 20 minutos tuluyang ipinakita ng home team ang bangis ng paglalaro para maisulong sa 2-0 ang kanilang karta sa limang koponan na liga.

“Isa lamang ang sinabi ko sa kanila sa halftime, na kami ay dumepensa. Lumamang kami ng walo sa second period pero nag-relax sila. Sinuwerte rin at pumasok ang mga tira namin,” wika ni coach Haydee Ong.

May tig-15 puntos sina Cassandra Tioseco at Fil-Am Melissa Jacob at ang dalawa ang naghalinhinan upang mapangunahan ang paglayo ng koponan at ipa­lasap sa Malaysia ang ikalawang sunod na ka­biguan sa tatlong asignatura.

Walong puntos ang ibi­nagsak ni Tioseco sa ikatlong yugto upang pamunuan ang 20-14 bomba at ang 20-18 halftime bentahe ng Pilipinas ay lumobo sa 40-32 papasok sa huling yugto.

Binuksan naman ni Jacob ang labanan sa huling 10 minuto sa pagsalpak ng tatlong sunod na tres para bigyan ang nationals ng 49-32 bentahe.

Isa pang tres ni Merenciana Arayi na naghatid ng 11 puntos, na nasundan ng puntos sa shaded area ni Tioseco ang nagpalawig sa kalamangan ng host team sa 20, 54-34, na tuluyang nagtiyak ng tagumpay.

Pupuntiryahin ng Pilipinas na maging 3-0 ang karta sa Indonesia bago ikasa ang mapanghamong laro laban sa nagdedepensang Thailand sa pagtatapos ng eliminasyon sa Huwebes.

“Pasok na kami sa Finals dahil tinalo rin ng Thailand ang Malaysia. Pero hindi kami dapat maging complacent at dapat ay pumukpok pa sa Indonesia para mapanatili ang momentum bago harapin ang Thailand. Magkakasukatan muna kami sa Huwebes bago ang finals sa Friday,” ani pa ni Ong.

Pakay ng Pilipinas ang kauna-unahang titulo sa SEABA women dahil ang pinakamagandang pag­tatapos na naabot ng isang national team sa torneo ay ikalawang puwesto sa 2007 na itinaguyod at pi­­nag­harian ng Thailand.

RP 59 –Tioseco 15, Jacob 15, Arayi 11, Pineda 6, Adriano 6, Valencia 2, Grajales 2, Mercado 2, Borja 0.

Malaysia 39 - Pang 17, Kew 7, Wong 5, Teo 3, Chen 3, Yap 2, Yong 2, Saw 0.

Quarterscores: 10-5, 20-18, 40-32, 59-39.

vuukle comment

CASSANDRA TIOSECO

FIL-AM MELISSA JACOB

HAYDEE ONG

HUWEBES

ISA

MERENCIANA ARAYI

NINOY AQUI

PILIPINAS

SHY

TIOSECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with