^

PSN Palaro

Liderato sinolo ng Lady Tamaraws

Pilipino Star Ngayon
Liderato sinolo ng Lady Tamaraws
Hinatawan ni Love Lopez ng FEU sina Richelle Cagaanan at Patrixia Abulencia ng San Sebastian College sa SSL Unity Cup.
SSL photo

MANILA, Philippines — Madaling dinispatsa ng Far Eastern University ang San Sebastian College-Recoletos, 25-14, 25-16, 25-21, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Hinataw ni Lovely Lopez ang siyam sa kanyang 13 points sa third set para banderahan ang pagsuwag ng Lady Tamaraws sa Lady Stags at solohin ang top spot sa Pool C.

Nagdagdag sina Mitzi Panangin at Alyzza Devosora ng tig-anim na puntos at may may limang marka si Kyle Pendon sa torneong suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R&B Milk Tea.

“Pinagbutihan lang namin 'yung serve-pass namin, iyon ang wino-workout namin. And 'yung kung papaano kami mag-spike, kung paano namin lalagyan ng option 'yung spike na gagawin namin,” ani Lopez na nagtala ng 11 kills, isang ace at isang kill block bukod sa tatlong digs.

Sinamantala ng FEU ang 23 errors ng San Sebastian, kasama rito ang service fault na tumapos sa laro.

Dinala ni Audrey Santos, anak ni FEU basketball legend Arwind Santos, ang Lady Tamaraws sa match point, 24-19, ngunit nakasingit ang Lady Stags ng dalawang match points para dumikit sa 21-24.

Bigo ang Baste na maduplika ang naunang come-from-behind five-set win sa Emilio Aguinaldo College sa pagsisimula ng torneo para sa kanilang 1-1 baraha sa torneong itinataguyod ng Smart, PusoP.com DICT, Executive Optical, Milo at Summit Natural Drinking Water.

Pumalo si Juna Gonzales ng 13 points para pangunahan ang Lady Stags na nakahugot kay Liana Fabella ng anim na marka.

Sa ikalawang laro, ipinoste ng nagdedepensang National University ang kanilang back-to-back wins matapos walisin ang Letran College, 25-21, 25-14, 25-19, at upuan ang solong liderato sa Pool A.

Bumida si Vange Alinsug sa opensa ng Lady Bulldogs ng kumana ng 13 points mula sa 10 kills at dalawangs aces 

“Naging sloppy kami nung first set and medyo nawawala yung communication namin. Kaya after nun, nag-usap kami and bumawi kami nung second and third sets,” ani Alinsug.

SHAKEYS SUPER LEAGUE

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with