Gilas mas mabagsik sa FIBA 5th window
MANILA, Philippines — Mas mabangis na lineup ng Gilas Pilipinas ang inaasahang masisilayan sa fifth window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers sa Nobyembre.
Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na nasa FIBA calendar ang qualifiers kaya’t pahihintulutan ang mga Gilas players na maglaro sa kani-kanyang national teams.
Karamihan sa Gilas pool ay naglalaro sa Japan B.League at sa Korean Basketball League.
Matatandaang hindi nakapaglaro sa Asian Games ang ilang players sa Gilas pool dahil hindi ito pasok sa kalendaryo ng FIBA.
Kaya naman hindi pinayagan ng kanilang mother teams ang mga Gilas players sa Japan at South Korea upang magpartisipa sa Asian Games.
Sa halip, bumuo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng mga available players mula sa PBA.
Bigo ang naturang Gilas squad na madepensahan ang korona ng Pilipinas sa Asian Games kung saan tumapos ito sa masaklap na ninth place.
Sa fifth window, hindi na ito mangyayari dahil magbabalik sa bansa ang mga players mula sa Japan at South Korea para sa November window ng FIBA World Cup qualifiers.
Umaasa rin ang SBP na makapaglalaro na si naturalized player Bennie Boatwright sa Gilas.
Kasalukuyang nasa No. 5 spot ang Gilas tangan ang 4-4 baraha.
Nangunguna ang Australia na may 8-0 kasunod ang New Zealand (6-2), Iran (5-3) at Jordan (5-3).
- Latest




















