^

PSN Palaro

La Salle pipiliting makabawi sa FEU; UP babangga sa UST

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sisikaping ibaon sa li­mot ng La Salle ang mapait na kabiguan na nalasap sa huling laro sa pagbangga sa nangungunang FEU sa pagpapatuloy ng 73rd UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Tangan ng Archers ang 57-74 alaala ng pagkakadurog sa karibal na Ateneo noong Linggo pagpasok sa tagisan nila ng Tamaraws na itinakda ganap na alas-4 ng hapon.

Unang maghaharap ang UST at UP na alas-2 ng hapon at mag-u­unahan ang mga nangangapang koponan na mawakasan ang losing streak.

Mas maganda naman ang karta ng Tigers dahil may tatlong panalo na sila kumpara sa Maroons na hin­di pa nakakatikim ng ta­­gumpay matapos ang 11 laro.

Pero ang tropa ni coach Alfredo Jarencio ay mayroong limang sunod na ka­­biguan na naglagay sa isang paa sa hukay.

Kailangan ng Tigers na maipanalo ang nalalabing apat na laro at umasang ang papang-apat na kopo­nan matapos ang eliminasyon ay hindi magkakaroon ng mahigit na pitong panalo upang makahirit ng playoff para sa huling upuan sa Final Four.

Nakataya nga sa La Salle ang ikapitong panalo kung masisilat ang Tamaraws na hangad ang ika-10 panalo na maglalapit sa ha­ngaring twice to beat ad­vantage.

Ang unang tagisan ng dalawang koponang ito ay nauwi sa double overti­me na napanalunan ng FEU sa 84-80 at mabangis ang tropa ni coach Glen Capa­cio sa larong ito dahil babalik na si Reil Cervantes matapos pagsilbihan ang one-game suspension na ipi­nataw sa kanya sa laro kontra sa UST.

Maliban kay Cervantes ay aasahan din ni Capacio ang husay ng Gilas natio­nal player na si Aldrech Ra­mos na gumawa ng pi­­nakamagandang laro na 21 puntos, 15 rebounds at 2 blocks nang kunin ang 76-67 panalo sa Tigers.

Sina RR Garcia na kumana sa mahalagang tagpo sa overtime sa unang ta­gisan sa La Salle, at Teren­ce Romeo ang iba pang huhugutan ng magandang laro ni Capacio.

“Maganda at nasa Final Four na kami pero pakay namin na maging number one o two para sa twice to beat advantage. Inaasahan kong hindi magbabago ang laro ng aking mga players,” wika ni Capacio.

Mananalig naman si Ar­chers coach Dindo Puma­ren na maibabalik ang sigla ng kanyang bataan tulad nina Joshua Webb, Simon Atkins, Joseph Marata, Ferdinand at Maui Villanueva para manatiling buhay ang hangaring makapasok sa Final Four at makipag-aga­wan sa unang dalawang pu­westo.

Ang nilasap na 62-60 kabiguan ng Eagles sa UE nitong Huwebes ang nagpanatiling bukas sa pin­tuan ng La Salle na makahabol sa twice to beat ad­vantage.

vuukle comment

ALDRECH RA

ALFREDO JARENCIO

ARANETA COLISEUM

CAPACIO

DINDO PUMA

FINAL FOUR

GLEN CAPA

JOSEPH MARATA

LA SALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with