^

PSN Palaro

RP Open badminton pinuri ni Hidayat

-
Pinuri ni reigning Olympic at world champion Taufik Hi-dayat ang unang pagtatang-hal ng Philippine Open Bad-minton Championships, at si-nabi nitong ang naturang event ay makakatulong sa pagsu-long ng antas ng kompetisyon at mapaunlad ng mga players ang kanilang playing skills sa tulong ng mga world-class cali-ber players.

"From what I’ve seen, the physique of Filipinos is identi-cal to most of the world cham-pions whom I have played with. The only ele-ment needed for major success by Filipino pla-yers is more international com-petitions," ani Hidayat.

Inaasahan ang Indon ace, na naging unang player na nanalo ng Olympic at world singles crown, na manguna sa hamon ng mga foreigners na kabibilangan nina Nathan Ro-bertson, Gail Emms, Lin Dan, Pi Hongyan, Mia Audina Tjipta-wan sa upcoming Philippine Open na nakatakda sa March 1-5 sa PhilSports Arena sa Pa-sig City.

Inimbitahan si Hidayat, kinikilalang isa sa best singles players ng naturang sport, sa paglulunsad ng $120,000 event noong nakaraang linggo bila chief endorser, ngunit hindi nakarating ang five-time Indo-nesia Open winner dahil sa injury.

Ang RP Open na spon-sored ng Bingo Bonanza, ay isang four-star tournament, na ngayon lamang itatanghal ng IBF (International Badminton Federation) sa bansa para big-yan ng tsansa ang mga local players na maka-ani ng world-ranking points.

Ito ay inorganisa ng IMG katulong ang JVC, na inaa-sahang lalahukan ng 200 pla-yers mula sa 25 bansang inim-bitahan dahil magsisilbi itong preparasyon para sa China Masters, isang six-star tourna-ment na gaganapin, isang ling-go pagkatapos ng RP Open.

Para sa detalye, magta-nong kay Joel Maborang sa PBA, Badminton Hall, Rizal Memorial Sports Complex, P. Ocampo St., Malate Manila o tumawag sa 0926 597-3222 o mag-email sa joebm_13@ yahoo.com at aglipay@ globequest.com.ph. puwede ring mag-log-on sa philip pineopenbadminton.com

Ang torneo ay suportado rin ng Philippine Star, Inquirer Badminton, Badminton Asia, Solar Sports, Jam 88.3, 99.5 RT, Magic 89, 103.5 K-Lite, Wave 89.1, Snickers, Toby’s Sports at Fossil Watches.

vuukle comment

BADMINTON ASIA

BADMINTON HALL

BINGO BONANZA

CHINA MASTERS

FOSSIL WATCHES

GAIL EMMS

HIDAYAT

INQUIRER BADMINTON

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

JOEL MABORANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with