Azuaga di nakaporma kay Peñalosa
Naging magaan ang panalo ni Gerry Peñalosa laban kay Dario Azuaga ng Paraguay matapos itala ang unanimous decision sa Rage in December sa Ynares Center sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.
Iniskoran nina Judges Salvador Lopez, Ricardo Canlas at Capt. Ramon Flores ang 10-round bout ng 100-88 na lahat ay pabor kay Peñalosa.
Sa kaagahan pa lamang ng laban ay umatake na si Peñalosa na isang buong taong hindi aktibo, bago ito humataw sa ikaanim na round kung saan ilang straights ang kanyang pinatama na ikinabag-sak ng dayuhan.
Muling pinabagsak ni Peñalosa si Azuaga sa 8th at 9th rounds, ngunit nagawa pa ring talunin ng Paraguayan ang bilang ni referee Vir Abainza at umiwas sa posibleng knockout loss.
"Groggy na si Azuaga nung bumagsak siya," ani Peñalosa na pinanood ng kaibigang si OPBF bantam king Malcolm Tuñacao.
Dahil sa panalong ito, umangat si Peñalosa sa 49-wins, 5-losses at 2-draws kabilang ang 33 knockouts.

Sponsored Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended