SAMA-SAMA TOGETHER!
December 12, 2005 | 12:00am
Masarap talaga ang pakiramdam kung ang mga magkakaklase o magkaka-sama sa college ay patuloy na nagkikita o gumugimik kahit na tapos na sila ng pag-aaral, may pamilya at medyo nagkakaedad na.
Kaya nga ako, kapag may mga kaklase ako sa col-lege na biglang tumawag o sumulpot, masayang-ma-saya ako. Kasi, paminsan-minsan na lang talaga kami nagkikita. At kapag nangyari nga iyon, talagang kwentu-hang walang puknat.
Siguro, masarap din kung ang kaklase mo sa col-lege ay kasama mo rin sa trabaho? Pero iilan lang ang nabibigyan ng ganoong pag-kakataon na magkasama sa trabaho ang magkakaklase. Ibat ibang direksiyon na kasi ang tinatahak ng magkaka-klase pagkatapos na mag-aral.
Teka, bakit ko ba naiku-kuwento ang buhay ng mga college buddies?
Kasi, nakakainggit ang nangyari kina Enrico Villa-nueva, Larry Fonacier at Paolo Bugia na pagkatapos na maging magkakampi sa Ateneo Blue Eagles na na-bigyan nila ng isang kam-peonato sa University Ath-letic Association of the Phi-lippines, hetot magkakampi na naman sila sa Red Bull Barako.
Bihira talaga ang gani-tong pangyayari.
Biruin mong 12 lang ang local players sa line-up ng isang team pero tatlo ay da-ting magkakampi sa kolehiyo. Hindi ko na nga maisip kung kailan huling nangyari ang ganito.
Siguro sa amateur ranks ay pwede. Kasi nga, sa Phi-lippine Basketball League ay inaadopt ng isang kumpanya ang isang school team. Ha-limbaway ang nagbalik na Hapee Toothpaste ay kinuha ang core ng Philippine Chris-tian University. Ang Toyota Otis ay binubuo naman ng mga stars ng Letran Knights. Ang Magnolia Dairy Ice Cream ay kinakatawan ng mga manlalaro buhat sa Far Eastern University. Ang Gran-ny Goose ay maraming pla-yers buhat sa University of the Philppines.
Sa amateurs ay pwede ngang mangyari iyon. Pero sa PBA ay pambihirang mangyari ang ganito. Ang malapit lang dito ay ang Alas-ka Aces kung saan nagkasa-ma-sama sina Mike Cortez, Don Carlos Allado at Willie Wilson na pawang galing sa La Salle.
Kaya naman masayang-masaya si Villanueva sa pangyayaring kinuha ng Red Bull sa nakaraang Draft sina Fonacier at Bugia.
At kung masaya si Villa-nueva, mas masaya si Fona-cier. Biruin mong isang taon siyang hindi naglaro subalit sumugal pa rin sa kanya ang Red Bull. Inunahan nga ng Barakos ang Talk N Text na interesado din sa kanya.
Pero teka, marami ang nagsasabing dapat ay buuin na raw ng Red Bull ang tropa ng Blue Eagles sa kanilang bakuran. Kung pwede daw ay kunin na rin ng Red Bull si Wesley Gonzales na med-yo in "hot water" sa panig ng Air21 matapos na magkaro-on ng pakikipag-alitan kay coach Bo Perasol.
Ang problema nga lang diyan ay kung sino ang ipa-palit ng Barakos para maku-ha si Gonzales.
Ewan natin, ha. Pero po-sibleng mangyari ito.
Abangan natin.
Advance birthday greetings kay sports columnist Beth Celis na magdiriwang sa December 14. Gayundin kina Jun Limpot at Alaska coach Tim Cone na magbi-birthday sa araw na iyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended