^

PSN Palaro

Krusyal na panalo target ng UST vs AdU

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang ibang pagpipilian ang University of Santo Tomas kundi ang talunin ang laglag nang Adamson University upang makahirit ng playoff para sa huling puwesto sa Final Four ng UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena.

Kasalukuyang nasa ika-5 puwesto ang Grow­ling Tigers tangan ang 7-6 karta habang magkasalo sa No. 3 sa team standings ang defending champion De La Salle University at Far Eastern University na may tig-8-5 baraha.

Magsisimula ang banatan ng Growling Tigers at Soaring Falcons sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng A­teneo Blue Eagles at University of the East Red Warriors sa alas-2:30 ng hapon.

Makakapuwersa ng do-or-die playoff ang UST kapag manalo sila sa A­damson, makakaharap nila ang matatalo sa FEU-La Salle match para paglabanan ang isang ticket na natitira sa semis.

Nakatakdang magha­rap ang FEU at La Salle sa alas-2:30 ng hapon sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with