World No. 1 spot natumbok ni Biado

MANILA, Philippines — Sumulong si Carlo Biado sa No. 1 spot sa World Nineball Tour (WNT) rankings — ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na makuha ang naturang puwesto sa Tour.
Base sa inilabas ng WNT, umakyat sa unang puwesto si Biado kung saan naungusan nito si Alloysius Yapp ng Singapore.
Nakabase ang rankings sa mga kinita ng mga players sa season na ito.
Kasalukuyang may $304,350 o mahigit P19 milyon si Biado habang may $296,430 o mahigit P18 naman si Yapp.
Huling nasilayan sa aksyon sina Biado at Yapp sa Universal Bangkok Open sa Thailand kung saan parehong nakaabot ang dalawa sa Round of 16.
“Being world No. 1 is an honor but it’s not everything. Defending that position comes with pressure and challenges. But at the end of the day, what matters most is enjoying the game, giving your best and being grateful for every opportunity,” ani Biado.
Nasa ikatlong puwesto naman si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain tangan ang $213,075 kasunod sina Fedor Gorst ng Amerika ($209,070) at Joshua Filler ng Germany ($159,090).
Nasa ikaanim na puwesto ang isa pang Pinoy na si Johann Chua na may $130,400 kasama si Moritz Neuhausen ng Germany na may parehong premyo na nakolekta.
- Latest

















