^

PSN Palaro

Asian Women's Championship papalo ngayon sa CCP Complex

-
Sa kabila ng mga naggagandahan at naglalakihang hita mula sa volleyball campaigner ng ibang bansa, siguradong di rin pahuhuli ang mga Pinay sa pagbubukas ng 2nd Nestea Beach Volleyball Asian Women’s Championship ngayon sa CCP Complex sa Pasay City.

Inaasahang aagaw rin ng atensiyon ang dalawang koponan na lahok ng Pilipinas sa 16 koponan mula sa siyam na bansa kung saan siguradong dodominahin ito ng Japan at Australia na maghaharap para sa titulo.

Babanderahan ni Yoko Tokuno at Seiki Kusuhara ang Japan na makikipagpalitan ng mga pamatay na spikes kontra Kylie Gerlick at Summer Lochowics ng Australia.

Isa sa magiging tinik sa landas ng Japan at Australia ay ang tambalang Arawan Tongkam at Rataporn Larsaiku ng Thailand na nagsabing ibubuhos ang lahat ng kanilang lakas upang ipamalas ang pormang nagbigay sa kanila ng ginto sa nakaraang Asian Games.

Bukod sa mga nabanggit, magbibigay rin ng mahigpit na laban ang Indonesia, China, Indian Hingkong at New Zealand sa tatlong araw na event na ito ay itinataguyod ng Nestea Ice Tea at inorganisa ng Philippine Amateur Volleyball Association.

vuukle comment

ARAWAN TONGKAM

ASIAN GAMES

INDIAN HINGKONG

KYLIE GERLICK

NESTEA BEACH VOLLEYBALL ASIAN WOMEN

NESTEA ICE TEA

NEW ZEALAND

PASAY CITY

PHILIPPINE AMATEUR VOLLEYBALL ASSOCIATION

RATAPORN LARSAIKU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with