^

PSN Palaro

Purefoods pumasok sa semifinal ng PBA Governors' Cup

-
Nakausad sa semifinal round ang Purefoods TJ Hotdogs nang kanilang pasadsarin ang Alaska Aces sa pagpapatuloy ng quarterfinal phase ng PBA Governors Cup sa Yñares Center sa Antipolo City.

Pinangunahan ni import Derrick Brown ang TJ Hotdogs na nakabawi sa kanilang 80-91 pagkatalo laban sa Aces na nagresulta ng sudden-death match na ito, katulong si Noy Castillo upang samantalahin ang kamalasang inabot ng Alaska.

Nagtala ang Aces ng season-high tying 30-turnovers kung saan nakakuha ang TJ Hot-dogs ng 23 puntos kontra sa 12 turnovers lamang ng Purefoods na siyang dahilan ng kanilang masaklap na pagkatalo.

Tumapos si Brown ng 31 puntos para sa Purefoods bukod pa ang walong rebounds habang nagtala naman si Castillo ng 16 puntos, 12 nito ay nang kumawala ang TJ Hotdogs sa ikalawang quarter.

Hihintayin na lamang ng Purefoods ang kani-lang makakalaban sa pagitan ng Mobiline Phone Pals at Barangay Ginebra na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang artikulong ito.

Matapos iposte ng TJ Hotdogs ang 41-31 bentahe sa pagtatapos ng first half, pinalobo ng Purefoods ang kanilang agwat sa 18-puntos, 52-35 matapos ang tres ni EJ Feihl, ngunit isang malaking rally ang pinakawalan ng Alaska sa 15-6 run upang bahagyang makalapit sa 50-59, bago matapos ang naturang yugto.

Di nagtagal, umiskor ng tatlong sunod na basket si Brown upang muling ilayo ang Purefoods, 73-54 at bago matapos ang laro ay nagposte ang TJ Hotdogs ng pinakamalaking kalamangan na 22 puntos, 88-66 upang ipala-sap sa Alaska ang kanilang pinakamasamang pagkatalo sa taong ito.

Nagtulong sina Brown at Castillo sa unang bahagi ng labanan para ihatid ang TJ Hotdogs sa 41-31 kalamangan sa halftime.

Isang 21-8 salvo ang pinaalpasan ng Purefoods upang iselyo ang second quarter na taglay ang 10 puntos na kala-mangan papasok sa third period.

ALASKA ACES

ANTIPOLO CITY

BARANGAY GINEBRA

DERRICK BROWN

FEIHL

GOVERNORS CUP

HIHINTAYIN

MOBILINE PHONE PALS

NOY CASTILLO

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with