Eala kayang mag Finals sa Grand Slam — Keys
MANILA, Philippines — Para kay dating Australian Open champion Madison Keys, tiwala itong makakapasok si Alex Eala sa finals ng isang Grand Slam event sa 2027 season.
Sa panayam kay Keys ng Sky Sports 2026, binanggit nito si Eala sa isa sa mga babantayan sa susunod na taon.
Kasama ni Eala sa mga tinukoy ni Keys si Victoria Mboko ng Canada na isa rin sa mga rising stars ng WTA.
Naudlot lamang ang ratsada ni Mboko nang magtamo ito ng injury sa kalagitnaan ng 2026 season.
Binanggit ni Keys ang kakaibang style ng paglalaro ni Eala na isa sa mga hinahangaan nito.
Alam ni Keys ang estilo ni Eala dahil nagtagpo na ang dalawa noong 2025 season.
Matatandaang tinalo ni Eala si Keys sa Round of 32 ng 2025 Miami Open sa iskor na 6-4, 6-2.
Kaya naman alam nito ang kakayahan ni Eala.
“Absolutely, I would throw her (Eala) into the mix. She has such a unique style that really disrupts rhythm and I think she is going to be able to do that against a lot of the big hitters,” ani Keys.
Kung sa women’s division ay pinangalanan nito si Eala, tinukoy naman ni Keys si Jakub Mensik na posibleng makapasok sa finals ng isang Grand Slam event.
“I’m going with Mensik on the men’s side. I think he’s a fantastic player and I think we’re only going to see more. On the women’s side, I’m going to go with Alex Eala,” ani Keys.
Abala pa si Eala sa mga kaliwa’t kanang off season events nito sa Maynila.
- Latest





















