^

PSN Palaro

Philippines boy’s regu team sa semis ng 1st  ASTAF meet

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Philippines boy’s regu team sa semis ng 1st  ASTAF meet
Nakaiskor si Angelyca Ong ng Team Philippines laban sa isang Chinese-Taipei defender sa kanilang Group B girls’ quadrant match sa 1st ASTAF U19 Asian Sepak Takraw Championship.
PSC photo

MANILA, Philippines — Pinatumba ng Team Philippines ang Bangladesh, 15-7, 15-8, papasok sa boys’ regu semifinal round ng 1st ASTAF U19 Asian Sepak Takraw Championship na iniha­handog ng Philippine Sports Commission kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Tinapos ng tropa ni spiker Jaypee Magno ang Bangladesh sa kanilang opening Group B match sa loob ng 30 minuto sa torneong inorganisa ng Philippine Sepak Takraw Association, Inc. at may basbas ng Asian Sepak Takraw Federation.

Ito rin ang ikalawang sunod na panalo ng Nationals matapos ang walkover win sa Oman (15-0, 15-0) para labanan sa semifinals ang Thailand ngayong araw sa event na suportado ng Milo, Pocari Sweat at Wolfgang’s. Dinomina ng mga Thais ang Malaysia, 15-3, 15-9, sa Group D. Samantala, minalas ang girls’ quadrant squad nina Krysiah Mae dela Cruz, Louie Joice Solinap at Alyzza Mae Solmila laban sa Chinese Taipei, 15-8, 11-15, 10-15, sa kanilang unang laro sa Group B.

Bagama’t nakuha ang first set, 15-8, ay bigo naman ang mga Pinay players na maidiretso ang kanilang ratsada matapos agawin ng mga Taiwanese ang sumunod na dalawang laro.

Makakatapat ng kopo­nan ang Myanmar na umiskor ng 15-6, 15-7 pa­nalo sa Indonesia.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with