Spurs sinibak Lakers sa NBA Cup

SAN ANTONIO — Bumira si Stephon Castle ng 26 points, habang humakot si Victor Wembanyama ng 25 points at 16 rebounds sa 99-96 pagtakas ng Spurs sa Los Angeles Lakers patungo sa NBA Cup knockout quarterfinal round.
Tumipa si Castle ng 10-for-15 field goal shooting kasama ang isang three-pointer na nagbigay sa San Antonio (16-4) ng 96-90 abante sa huling 43.4 segundo ng fourth period.
Kumana si Luka Doncic ng 31 points para pamunuan ang Los Angeles (15-4) na tuluyan nang nasibak sa NBA Cup.
Nag-ambag si Austin Reaves ng 21 points at nagtala si Walker Kessler ng 10 points at 13 rebounds para sa Lakers na dumikit sa 93-96 sa nalalabing 34 segundo.
Kumonekta si Jake LaRavia ng dalawang free throws para lalo pang ilapit ang Los Angeles sa 95-96 matapos ang isang double dribble violation ni San Antonio guard De’Aaron Fox.
Nagpasok din si Fox ng dalawang free throws sa huling 6.6 segundo para ilayo ang Spurs sa 98-95 upang makalusot sa Lakers.
Sa iba pang laro, giniba ng Detroit Pistons ang Milwaukee Bucks, 113-98; nakatakas ang Miami Heat sa New York Knicks, 108-105; wagi ang Toronto Raptors sa Brooklyn Nets, 124-100; lusot ang Atlanta Hawks sa Boston Celtics, 87-86.
- Latest


















