Sara, ipinagdasal ang kaayusan at kapayapaan ng bansa
MANILA, Philippines — Ipinanalangin ni Vice President Sara Duterte ang kaayusan at kapayapaan ng bansa nang ito ay bumisita sa isang simbahan sa Samar.
Sa isang social media post, ibinahagi ni VP Duterte ang ilang larawan nang kanyang pagbisita sa Our Lady of the Rosary Parish Church sa Catbalogan City.
Nagpasalamat din ang bise presidnete dahil nakabalik siya sa naturang simbahan noong nakaraang buwan, na una niyang nabisita sa Visita Iglesia noong nakaraang taon.
“Ipinalangin natin ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa, gayundin ang kaligtasan ng bawat isa sa atin, kabilang na ang ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa,” aniya pa.
“Mga kababayan, sa ating araw-araw na pamumuhay, huwag nating kalimutang magpasalamat sa Panginoon para sa lahat ng biyaya, mga makabuluhang aral sa buhay, at mga pagkakataong makasama ang ating mga mahal sa buhay,” paalala pa niya.
- Latest



















