^

Police Metro

13-anyos na babaeng estudyante binoga sa ulo

Cristina Timbang, Doris Franche-Borja - Pang-masa

Habang papasok sa iskul

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na babaeng Grade 8 student ang binaril sa ulo habang  naglalakad papasok sa kanyang paaralan sa Brgy. Banyaga, Agoncillo, Batangas, ka­makalawa ng umaga.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang kinilala sa alyas na ­Jenny, Grade 8 student ng Ban­yaga National High School at residente ng nasabing barangay.

Sinabi ni Police Major Broderick Noprada, Offi­cer-in-Charge ng Agoncillo Police Station, alas-6:00 ng umaga na hindi inaakala ng mga tao na naroon sa pinangyarihan ng krimen na babarilin ng suspek ang bata na akala nila ay naghahatid lang din ito ng estudyante.

“Sa hindi malamang dahilan ay binaril niya ‘yung bata. ‘Yun nga ang akala kasi nila is parang naghahatid lang ng estudyante. Actually may isa nga dun na isang barangay tanod na nakabiruan pa ng suspek, kaso lang hindi niya masyadong namukhaan ‘yung suspek,” sabi ni Noprada.

Matapos ang krimen ay tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Susuyurin naman ng kapulisan ang CCTV foo­tage sa lugar at magsasagawa ng back­tracking investigation para matukoy ang pagkaka­kilanlan ng salarin.

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na wala silang alam na nakaaway ng dalagita, at wala rin sa kanilang naikuwento.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with