^

PSN Opinyon

Diploma Sea

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PALITAN na ang pangalan ng West Philippine Sea ng Diploma Sea. Kahit kasukdulan na ang ginagawang pang-aabuso ng China ay tanging diplomatic protest ang sagot ng pamahalaan.

Binangga ng Chinese Coast Guard Ship ang dalawang barko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag­hahatid ng supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nagharap muli ng protestang diplomatiko ang Pilipinas­ laban sa China. Pero maliban sa mga note verbal nang protesta, wala naman tayong ibang magagawa dahil tayo ay isang “butiki” na ang kalaban ay isang dragon. 

Kahit ulit-ulitin iyan ng China, paulit-ulit ding magpapadala ng diplomatic protest ang ating pamahalaan sa China. Tama iyan bilang pansamantalang hakbang.

Kung magbubulag-bulagan tayo sa ginagawa ng China­, baka umabot sa puntong tuluyan ng mapasakamay ng China ang teritoryong pangkaragatan na lehitimong sa atin.

Pero hanggang kailan tayo gagamit ng diplomatic protest? Papaano kung umabot sa puntong maraming kawal na Pilipino ang mamatay sa ganyang mga insidente?

Kung mangyari iyan, hindi pa rin tayo makagagamit ng dahas kontra dahas. Aasa na lang tayo sa saklolo ng mga malakas na bansang nagmamalasakit sa atin.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with