^

PSN Opinyon

2 Chinese, huli sa pagbebenta ng smuggled cigarettes!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sinisira talaga ng mga Chinese ang ekonomiya ng Pinas. Hindi lang ang West Philippine Sea ang pilit nilang inaagaw kundi maging sa negosyo ng sigarilyo at iba pa ay gusto rin nilang masarili. Kaya lang, hindi naman humihinto ang gobyerno na ipaglaban ang WPS at hinahanting din sila sa negos­yong cigarette smuggling. Mismooo!

Noong Linggo (Mayo 26), dalawang Chinese at isang Pinoy ang nasakote ng pulisya sa entrapment operation sa Davao City. Sana makalaboso na itong mga suspects para naman hindi gayahin ng kapwa nila dito sa Pinas na sangkot sa masamang gawain, di ba mga kosa? Dipugaaa!

Hindi nakaporma sina Ziqiuang Pan, 35; Xia Dong Pan, 34, at Allan Corsal Jr., 29, nang masakote ng mga tauhan­ ni Lt. Col. Hamlet Lerios, ng RSOG ng PRO 11 sa isang entrap­­ment operation sa South Bay, Bgy. Lapu-Lapu, Agdao, Davao City dakong 4:58 ng hapon. Inaresto ang mga suspects matapos iabot ang isang master case ng Bros cigarettes sa poseur buyer kapalit ang P15,000 boodle money. Nakum­piska pa sa kanilang pag-iingat ang 39 pang master case ng Bros cigarettes na nagkakahalaga ng P2 milyon. Ara­guyyy! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Sa totoo lang, ang katransaksiyon ng tropa ni Capt. Louie Balmori, ng RSOG, ay si Corsal. Kaya lang, kasama niya ang dalawang Chinese sa ginawang entrapment ope­rations kaya’t swak din sila sa banga. Get’s n’yo mga kosa? Baka ayaw lang ng dalawang Chinese na mabukulan, ‘no mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Tuso talaga ang mga Chinese, maging sa usapin sa WPS.

Kung sabagay, malaki ang mawawala sa dalawang Chi­nese kapag hindi nila binantayan ang kanilang transaksiyon. Ang bentahan kasi ay P50 sa isang pakete. Sinabi ng mga kosa ko na ang isang kahon ay may lamang 500 pakete. At ang benta sa isang kahon ay P15,000 kaya mali­wanag pa sa sikat ng araw na ang kita ng mga Chinese ay P10,000 sa isang kahon. So, magkano lahat-lahat ang kikitain ng dalawang Chinese? Bahala na kayo magsuma mga kosa dahil mahina ang Dipuga sa Math. Hehehe! Ka­ilangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ng dalawang Chinese na ang kanilang epektos ay galing sa pantalan sa Zamboanga peninsula. Hindi nila masabi kung may kinalaman dito si Boss Sakur, ang utak ng cigarette smuggling sa southern backdoor sa Mindanao. Tsk tsk tsk!

Kailan kaya masasakote si Boss Sakur na ang negosyo ay kumikitil ng bilyones in the form of taxes sa gobyerno? Kung sabagay, maraming mahihirap na Pinoy ang matutulungan kapag nagbayad ng tamang buwis itong nasa likod ng fake cigarettes, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Teka, teka! Hindi lang taga-RSOG ang sangkot sa entrapment operations kundi maging ang intel operatives ng Sta. Ana Police Station sa pangunguna ni Capt. Rizalito Clapiz III. Kakasuhan ang mga suspects nang paglabag sa RA 10643. Abangan!

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with