^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Bantayan ng PNP, pagtaas ng krimen

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Bantayan ng PNP, pagtaas ng krimen

Mula nang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila noong Biyernes, nagdagsaan na sa iba’t ibang mall, parke at iba pang pasyalan ang mga tao. Sa mall, hindi maipaliwanag ang kasiyahan ng mga bata habang ipinapasyal ng kani-kanilang mga magulang. Dapat sa Nobyembre 15 pa ibababa sa Alert Level 2 ang MM pero sabi ng Inter-Agency Task Force (IATF), pababa nang pababa ang COVID cases kaya ipinasya nang isailalim sa mas mababang level.

Nagbigay din ng suhestiyon ang Department of Health (DOH) at si Presidential Adviser for Entre­preneurship Joey Concepcion na dapat nang buksan ang mga establisimento para umusad ang ekono­miya. Sabi pa ng DOH, posibleng bumaba pa ang active­ COVID cases bago ang Nobyembre 15. Ganito rin ang pananaw ng OCTA Research Group na nagsabing pababa na ang trending ng COVID sa Metro Manila. Ayon pa sa DOH, kapag tuluyang bumaba ang kaso, maaaring ilagay na sa Alert Level 1 ang MM.

Magandang balita ito. Posibleng magiging maligaya ang nalalapit na Pasko. Ang hindi magandang nakikita ay ang pagdami naman ng krimen. Kung bumababa ang COVID cases, tumataas naman ang krimen. At naghahatid ito ng pangamba lalo ngayong papalapit ang Kapaskuhan. Sa paglabas ng mga tao, kasabay ding lumalabas ang mga kriminal para mam­biktima.

Noong Linggo ng gabi, isang estudyante sa Ma­labon City ang sinaksak ng holdaper nang hindi nito ibigay ang cell phone. Lumabas lamang umano ang biktima para bumili ng pagkain subalit hinoldap na siya. Nakaligtas naman sa kamatayan ang biktima.

Umaalagwa ang kidnapping. Noong Lunes, kinidnap ng isang pulis na naka-assign sa Comelec Intramuros, Maynila ang isang 54-anyos na lalaki at hini­ngan ng P50,000 para makalaya. Arestado ang pulis.

Patuloy din naman ang pamamayagpag ng mga sindikato ng droga. Noong Sabado, nakasamsam ang PDEA at QCPD ng P17 milyong halaga ng ecstasy sa Tatalon, Quezon City. Naaresto ang babaing courier.

Patuloy na bumababa ang COVID cases at nag­la­labasan na ang mga tao. Ang nakakatakot, kasabay ding lumalabas ang mga kriminal. Tiyak na tataas ang krimen lalo at magpapasko. Sana, ang papalit kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na magreretiro sa Sabado ay mapanatili ang police visibility. Kailangang mapro­tektahan ang mamamayan sa mga kriminal.

ALERT LEVEL 2

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with