^

PSN Opinyon

‘Enjoy lang ‘pag nagkamali’

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Tanong: Kailan ka huling nagkamali? Kahapon? Kanina lang?

Lahat tayo nagkakamali. Sa salita, sa desisyon, sa re­las­yon. Minsan maliit na pagkakamali, minsan malaking kahihiyan.

Pero tandaan: Walang perpektong tao sa mundo. Iisa lang ang perpekto — ang Diyos. Tayo, ang sabi nga ng isang awit: “Ang tao’y marupok, kay daling lumimot.”

Si Pedro nga, apostol na mismo, nagkamali rin. Itinanggi niya si Jesus nang tatlong beses. Si Tomas, nagduda. Si Pablo, dating taga-usig ng mga Kristiyano. Pero hindi sila nanatili sa pagkakamali. Bumangon sila.

Sabi sa Kawikaan 24:16: “Ang matuwid ay nabubuwal nang pitong beses, ngunit muling bumabangon.”

Hindi ang pagkahulog ang sukatan ng pagkatao, kundi ang pagbangon. Kaya kapatid, enjoy lang ‘pag nagkamali. Hindi ito katapusan. Simula pa lang ito ng paglago.

Ano ang gagawin ‘pag nagkamali?

Una, Aminin. Huwag mag-deny, huwag manisi ng iba. Sa psychology, ang tawag dito ay accountability. Ang simpleng “Nagkamali ako, sorry” ay gamot ng kaluluwa. Diyan nagsisimula ang kagalingan.

Pangalawa, Matuto. Ang pagkakamali ay guro, hindi hukom. Tanungin mo: Ano ang itinuturo nito sa akin? Baka kailangan mong magdahan-dahan, makinig, o magpakum­baba. Ang taong marunong matuto, hindi na nahuhulog sa parehong hukay.

Pangatlo, Bumangon at Magpatuloy. Ang Diyos ay hindi nag­bibilang ng bagsak mo. Binibilang Niya ang bawat bangon­ mo. Huwag kang matulog sa kahihiyan. Tulad ng batang natu­­tong maglakad — nadapa, umiyak, pero tumayo ulit.

Sa Ebanghelyo ngayon, lumapit si Pedro kay Jesus at nagtanong: “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong nagkasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Sumagot si Jesus: “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpu’t pitong beses.” (Mateo 18:21-22)

Kapatid, kung nadapa ka ngayon, huwag kang manatili sa lupa. Ang putik ay hindi tahanan mo. Ang langit ang punta mo.

Kaya ngumiti ka. Huminga nang malalim. At sabihin: Enjoy lang pag nagkamali. Bukas, bangon ulit, laban ulit.

Pinagpapala ng Diyos ang mga mapagpakumbaba.

Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal!

Kita-kits po ulit tayo sa Sabado, sa isa pang “Enjoy Lang!”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with