^

PSN Opinyon

Pribilehiyong todo

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Higit pa sa populasyon ng Quezon City. Ito umano ang bilang ng mga pumasok na Tsino sa bansa mula 2017. Ayon sa impormasyon na nanggaling mismo sa Bureau of Immigration, halos apat na milyong Mainland Chinese ang pumasok sa bansa mula 2017.

Sa bilang na iyan, 3.8 milyon ang non-VUA (Visa Upon Arrival) habang 150,000 ang VUA. Kapag VUA, ma­aaring makapasok ang dayuhan at manatili sa bansa ng 30 araw na hindi nangangailangan ng visa.

May kinalaman lahat ito sa naungkat ni Sen. Risa Hon­tiveros na “pastillas scheme” ng ilang tauhan ng Bureau­ of Immigration. Sampung libong piso bawat Tsino ang pinaniniwalaang tinanggap ng mga kawatan para maka­pasok sa bansa nang walang problema.

Hindi lang iyan ang naungkat. Lumalabas na pinapayagang magretiro sa bansa pala ang dayuhan sa edad na 35 lamang. Hindi naitago ni Sen. Gordon ang kanyang dis­maya sa kalakarang ito. Napakabata nga naman ng edad na iyan para maging retirado. Dagdag pa ni Gordon, edad ng sundalo iyan.

Dumepensa naman si Philippine Retirement Agency (PRA) General Manager Bienvenido Chy na matagal nang ganito ang patakaran. Sa South Korea, puwede nang magretiro ang sundalo sa edad na 35 kaya pinapayagan na sila rito para mahikayat na rin ang marami na magretiro sa Pilipinas. Kapag may hawak na $50,000, puwede nang magretiro sa bansa.

Pero ilan ang nagretiro mula China bago mag-2017? Iyan ang tanong. At dapat tandaan na pinayagan ang ope­rasyon ng POGO sa bansa. Ang mga pumapasok na ilegal na Tsino ay maaaring sa mga POGO na nagtatrabaho, kaya nagbabayad na lang sila imbes na dumaan pa sa maraming proseso. Ano ba naman ang P10,000 sa mga POGO na iyan?

Kaya inutusan na ni DOT Sec. Puyat ang PRA na iba­sura na ang patakaran na iyan. Todo-todong pribilehiyo ang ibinibigay talaga ng administrasyon sa mga Tsino.

Ano naman kaya ang mangyayari ngayong lahat ng industriya ay tinamaan ng pandemya? May POGO sa Subic na magsasara na dahil nalulugi. Isang libong Tsino ang babalik na sa China. May mga «retirado» kaya sa mga iyan na babalik din sa China? Ilan kaya diyan ang nakapasok dahil sa «pastillas scheme»?

vuukle comment

POPULASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with