^

PSN Opinyon

Moving on

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay inumpisahan muli ng House of Repre­sentatives ang kanilang sesyon para sa pagpasa ng 2021 budget. Naayos din ng mga mambabatas ang gusot­ sa kung sino ang magiging Speaker ng kapulungan. Kesyo may kasunduan sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Speaker Lord Allan Velasco ukol sa pag­hating kapatid sa puwesto, hindi maikakaila na ang buong House na ang nagpasyang kilalanin si Speaker Velasco.

Mabuti at hindi na pinahaba pa nang magkatunggali ang lambingan. Napakalungkot kung sa gitna ng binu­buno nating pandemya ay maantala ng pansariling interes ang lunas na maidudulot ng ayuda sa budget. Sakali kasing nagpatuloy pa ang pagkaantala ng debate sa budget, hindi na ito aabot sa tamang oras ng pagpasa at sa halip ay mababalik tayo sa pag-gamit ng budget nitong taong 2020. Ang ganitong re-enacted budget ay walang nakasaad para sa mga Bayanihan, ASCEND, CREATE at iba pang mga programang itinakda para buhatin ang bansa mula sa lugmok na kinalalagyan.

Sa ganitong pamantayan, mapapatawad natin ang dalawang kongresista at makukuha pa nating sila’y pasa­lamatan na hindi na lalong pinatagal ang kalbaryo. Si Speaker Lord Allan Velasco mula sa una ay naging matiwasay at kalmado ang pakikiharap sa kampo ni Speaker Cayetano. At sa huli ay pinakitaan pa ito ng magnani­mity sa pag-alok ng kamay para makatrabaho, na may inilaan pang puwesto sana bilang Deputy Speaker.

Si Speaker Cayetano naman, nang mabatid na pinili ng mas nakararami si Speaker Velasco, ay hindi na nag­paliguy-ligoy pa at agad isinumite ang kanyang irrevo­cable resignation. Iniwasan nang lalo pang mabaon sa hindi produktibong bangayan ang House at ang kanyang mga kapwa kongresista.

Ipinanganak man sa pansariling interes ang kanilang alitan, sa huli ang interes ng bansa at nakararami ang nanaig. Congratulations sa kanilang dalawa at sa ating lahat. Ang inakala nating ikatatalo ng bansa ay lumabas ding positibong kaganapan.

vuukle comment

ASCEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with