^

PSN Opinyon

Pilipino pa ang dumedepensa sa mapandurong China?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKALULUNGKOT. Magbasa ka ng mga komento sa Face­book at marami ang kumukutya sa mga Pilipinong mangingisda na lulan ng isang bangkang binangga at pi­nalubog ng isang barko ng China. Imbes na damayan nila ang kanilang pobreng kababayan, kinakampihan pa ang China. Kumbaga noong panahon ng World War II, ang mga ganitong klase ng tao ang mga collaborators ng kalaban. Hindi ang China ang ating kalaban kundi yung mga Tsinong lulan ng barkong bumangga sa fishing boat ng mga kababayan nating nangingisda lang sa Recto Bank.

Pero lumilitaw na kalaban natin ang China kung ito’y kukunsinte sa baluktot na gawain ng mga Tsinong laman ng barkong nagpalubog sa fishing boat ng mga Pinoy.

Sinasabi ng mga pro-Duterte na ang insidente ay paninira lang sa administrasyon na alam nating lahat na pinag­yayaman ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa China. Damayan naman natin ang mga mangingisdang ito sa halip na kutyain. Nagpalabas na ng press statement ang Tsina na nagsasabing aksidente ang nangyari at hindi sinadya gaya ng akusasyon ng mga mangingisdang Pinoy.

Para kay Sen. Francis Pangilinan, “kasing peke ng salay­say ng China ang pag-angkin nito ng teritoryo.” Kung iha­hambing nga naman ang ipinalabas na statement ng China sa salaysay ng mga Pilipinong mangingisda, walang duda kung sino ang biktimang ginipit at nagsasabi ng totoo. Tama si Kiko. Ang alegasyon ng China na pinalibutan ng mga bangkang pangisda ang kanilang barko ay pinasinu­ngalingan ng mga satellite photos.

Ngunit sa kabila ng nagdudumilat na katotohanan, tila ma­rami ang kumakampi pa sa China. Huwag naman­ po sana. Umaasa pa rin ako na gagawa ng karampatang hakbang ang gobyerno kaugnay ng malinaw na pambu-bully ng mga tripulante ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Sabi ni Pangilinan, “sadyang nakakagalit, kundi pa man nakakapanuya, na patuloy pa ring naghahanap ng butas ang China para hindi managot sa muntikang pagkamatay sa laot ng ating mga Pilipinong mangingisda. Sa ganitong pamumustura, hindi ipinapakita ang katapatan ng isang kaibigan daw.”

Hinihintay ng marami na magpakitang galit si Presidente. Siya ang leader ng bansa at siya ang dapat tumayo at magsalita para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

vuukle comment

PINOY FISHERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with