^

PSN Opinyon

2028: Sinara na ba ni Leni ang pinto?

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

May isang mahalagang leksiyon sa pulitika sa Pilipinas: nothing is final until it is truly final.

Walang nakaukit sa bato. Maaaring magbago ang mga kalku­lasyon at desisyon sa loob lamang ng ilang araw. Ang tila tiyak ngayon ay maaari pang magbago bukas. Minsan, isang pangya­yari lamang ang kailangan upang tuluyang mag-iba ang political landscape.

Sa ganitong konteksto dapat unawain ang pahayag ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo sa 2028. Malinaw ang kanyang sinabi at nararapat itong igalang. Ngunit iba ang paggalang sa kanyang kasalukuyang desisyon sa pag-aakalang sarado na ang lahat ng posibilidad.

Tandaan: politics is the art of the possible.

Nitong nakaraang linggo, nagpahayag si Naga City Vice Mayor Gabriel “Gaby” Bordado Jr. na susuportahan ng mamamayan si Robredo kung tatakbo ito. Ganoon din ang pananaw nina Senator Kiko Pangilinan at Rep. Leila De Lima. Maaaring ang mamamayan mismo, lalo na ang kanyang mga kababayan sa Naga, ang magtulak sa kanya na muling pag-isipan ang kan­yang desisyon kung lalakas ang panawagang ito.

Ngunit hindi dapat maghintay lamang ang demokratikong oposisyon sa pasya ng isang personalidad. Kailangang palakasin ang mga organisasyon, palawakin ang koalisyon at maglatag ng prog­ramang tumutugon sa mga suliranin ng mamamayan. Anuman ang maging pasya sa kandidatura, dapat handa ang oposisyon.

Kailan masasabing sarado na talaga ang usapin kay Robredo? Marahil kapag malinaw na siyang nag-endorso ng ibang kandidato sa pagkapangulo at buong bigat na inilagak dito ang kanyang suporta.

Sa ngayon, umiikot ang mga pangalan nina Senators Risa Hontiveros at Bam Aquino. Nabanggit din ni Robredo sina Kiko Pangilinan, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pasig City Mayor Vico Sotto, bagama’t hindi pa pasok sa age requirement. Lumu­lutang din sina Senator Erwin Tulfo at Defense Secretary Gibo Teodoro.

Sa kampo ng Duterte, sakaling mahatulan sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte, maaaring maging alternatibo sina Davao City Mayor Baste Duterte at Senator Robin Padilla.

Maraming pangalan, maraming kombinasyon. Masyado pang magalaw ang tubig upang matiyak ang magiging takbo ng pulitika sa 2028.

Ngunit may isang bagay na dapat maging malinaw: kaila­ngang wakasan sa 2028 ang pamamayani ng mga political dynasty. Panahon nang magbukas ng puwang para sa bagong liderato, bagong politika at tunay na alternatibo.

 

FINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with