^

PSN Opinyon

Pinakahanda raw sa kalamidad

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY ulat ang World Bank na ang Pilipinas ang isa raw sa pinaka-handa para sa mga kalamidad. Kasali ang bansa sa grupo ng Thailand. Indonesia, Japan at Malaysia. Bagama’t magtataka ako kung paano sila umabot sa ganyang resulta, aaminin ko na hasang-hasa tayo sa kalamidad. Parang bakal na pinatitigas sa apoy ng panday. Lahat ng klaseng kalamidad ay meron tayo, mula bulkan, lindol, bagyo, tsunami at ngayon pati na rin sa buhawi.

Dahil sa ating lokasyon sa mundo, napapasabak nang madalas ang Pilipinas sa mga natural na kalamidad. At dahil diyan, natututo na tayong maging handa. May mga lugar pa rin na peligroso kung saan may mga pasaway at ayaw lang talagang lumikas. Pero karamihan naman ay nakikinig, lalo na’t nakatikim na nang matinding kalamidad.

Tumataas nga ang kilay ko kapag napapanood sa foreign news ang sitwasyon ng isang siyudad na dinaanan nang malakas na bagyo. Mga tahanan na walang bubong at dingding. Dito sa atin, dahil alam natin ang lakas ng mga bagyong dumadaan, konkreto at bakal ang mga tahanan natin.

Pero ang gusto ko pa ring makita ay maging moderno ang kakayanan ng bawat siyudad sa kanilang search and rescue. Gusto kong makita ang mga modernong panligtas na kagamitan. Mga bumbero na moderno rin ang trak. Kung puwede, may helicopter ang bawat siyudad para sa emergency lamang. Mga duktor at nurse na pwedeng tawagan sa oras ng pangangailangan. At mga ospital na tatanggap ng mga nasaktan. Kung magagawa lahat iyan nang walang korapsyon at katiwalian, tunay na handa ang Pilipinas para sa kalamidad. Para pulitiko at krimen na lang ang mga problema.

vuukle comment

BAGAMA

DAHIL

DITO

KALAMIDAD

KASALI

LAHAT

PERO

PILIPINAS

TUMATAAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with