^

PSN Opinyon

Oca tops sa Caloocan mayoralty survey

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HALOS dalawang linggo na lang at eleksyon na pero tila nakapagdesisyon na ang mga botante ng Caloocan City kung sino ang itatanghal na  alkalde. Ayon sa Makati-based Stratfocus Consultancy, sa 2,500 respondents nakakuha si Congressman Oscar “Oca” Malapitan (UNA mayoralty bet)  ng 1,447 o 57.88% kasunod si RJ Echiverri na pumuntos lamang ng 838 o 33.52% at Macario “Boy” Asistio, Jr., 4% o 100.

“Wa-epek” ang demolition job laban kay Malapitan. Kausap ko siya nung isang araw. Naitanong ko ang tungkol sa mga katawatawang alegasyon laban sa kanya hinggil sa pamimili ng boto gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na “pork barrel”.

Aniya, “matalino naman ang taumbayan at alam ang mga walang katuturan paninira laban sa isang kandidatong mataas ang rating”.  Oo nga naman. Ang PDAF ay hindi “cold cash” na hawak ng mambabatas kundi siya lamang ang tumutukoy sa mga proyektong dapat tustusan.

May kaukulang ahensya na nag-iimplimenta ng proyekto. Naunang ipinatigil ng RTC sa Caloocan ang “pork” ni Malapitan dahil sa isang reklamo ng vote buying na pati ang kaalyado ni President P-Noy na si DSWD Sec. Dinky Soliman ay kinaladkad komo siya ang nagpapatupad sa programang pang-mahirap. Makikipagkutsaba ba naman ang isang kaalyado ng Pangulo sa kalokohan ng isang opisyal na miyembro ng oposisyon tulad ni Oca na kasapi sa UNA? Malabo.

Ngayon naman, pinipilit ilahok sa isyu ang atas ng Department of Budget na pumipigil pansamantala sa release ng “pork” habang pa­palapit ang eleksyon. Ito ay para sa lahat ng mga mambabatas na kumakandidato para maiwasan ang pagpapapogi sa mga bo­tante. Wala itong kaugnayan kay Malapitan.

Ang programang tulong sa mahirap ay progra­ma ng ad­ministrasyon at hindi ng sino mang Solon para magpagu-wapo. Bana­ yad na ngiti lamang ang tugon ni Oca sa de­mo­lition laban sa kanya. Ayaw namang tapatan ni Oca ang ganyang maruming taktika. Isa pang dirty trick na personal kong nasaksihan ay ang pagbaklas sa mga posters  ni Oca para patungan ng pos­ter ng ibang kandidato.

Tama ang attitude ni Oca sa harap ng mga paninira. Lamig lang at hinahon. Naniniwala ako sa kasabihan na “you can never put a good man down.” Ang taong marunong magtimpi ay kinakasihan ng Diyos.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CONGRESSMAN OSCAR

DEPARTMENT OF BUDGET

DINKY SOLIMAN

MALAPITAN

PRESIDENT P-NOY

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with