^

PSN Opinyon

Asido(1)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NGAYONG araw ng mga puso, kakaiba at nakakaki­labot na kaso ang inilapit sa BITAG. 

Isang krimen na nagawa dahil sa matinding bugso ng damdamin sa sobrang pagmamahal.

Sinabuyan ng asido ang isang beinte sais anyos na babae ng kaniyang dating kalive-in. Sunog ang buong mukha at likuran nito nang humarap sa amin.

Bago pa man mangyari ang krimeng ito, impyernong buhay ang kaniyang sinapit sa suspek na si Gaspar Maneja Jr.

Nagsimulang magbago ang magandang samahan ng biktima at suspek nang makipaghiwalay na ang biktimang si Ruby kay Gaspar Maneja. 

Nagsimula itong saktan ang kinakasama na halos ikamatay ng biktima. Nagawa rin ng suspek na saksakin ang kaniyang sarili at humandusay sa kalsada maantala lamang ang napipintong hiwalayan.

Subalit sa desisyon na rin ng magulang ng biktima na hiwalayan ang kinakasama, natuloy ang kanilang paglalayo.

Ang siste, ilang buwan ang lumipas, rumesbak si Maneja. Sa harap ng Mandaluyong cockpit, pauwi na ang biktima nang mabilisang dumaan ang dalawang lalaking naka-motor, riding in tandem.

Saka siya biglang sinabuyan ng asido sa mukha, nakailag ang biktima at likuran ang unang nasabuyan. Subalit sa ikalawang pagsaboy, tinamaan na ang kaniyang mukha.

Ang mismong pasahero pa sa jeep ang nakapansing umuusok ang kaniyang mukha, dibdib at likuran. Ang krimeng ito, tinatawag na crime of passion. 

(Abangan ang Ikalawang Bahagi)

vuukle comment

ABANGAN

GASPAR MANEJA

GASPAR MANEJA JR.

IKALAWANG BAHAGI

ISANG

MANDALUYONG

MANEJA

NAGAWA

NAGSIMULA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with