^

PSN Opinyon

Ang paborito naming guyabano

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

(Marami syang health benefits)

Hindi lang dahil sa masarap sya kaya’t gusto namin sya. Marami rin syang health benefits, katulad ng:

1. Tumutulong syang mag-produce ng energy para sa katawan. Mayaman sya sa vitamin na Thiamin na tumutulong i-convert ang asukal at carbohydrates na maging energy.

2. Nakakapatibay din sya sa mga buto natin. Mayaman rin sya sa calcium na kailangan ng mga buto.

3. Nakakatulong din syang ma-control ang cholesterol natin sa dugo. Dahil ito sa Niacin na nasa guyabano.

4. Makakatulong din ito para maiwasan ang anemia dahil mayaman sya sa iron.

5. Maaring makatulong din sa mga may migraine headache dahil sa taglay nitong Riboflavin.

6. Mayaman sya sa fiber kaya’t makakatulong din sa mga may constipation.

7. Mayaman din sya sa vitamin C at makakatulong para labanan ang mga infection tulad ng infection sa ihi o UTI.

8. Mayaman din sya sa potassium na maaring makatulong sa mga nakakaramdam ng pamimitig (cramps) ng muscles at panghihina.

9. Para sa mga kababaihan naman, nakakatulong ang guyabano na bawasan ang mga nararamdaman tuwing may menstruation.

10. Mayaman din sya sa Folate na kailangan ng mga nagbubuntis.

Masustansya ang guyabano pero, ‘wag naman natin syang ituring na gamot para sa lahat na nabanggit nating problema. Ituloy pa rin natin ang mga gamot na rineseta ng doctor natin.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with