U.S. judge lahing Ilongga at Koreano
Karaniwan na sa Amerika ang mga mamamayan nito na merong magkakahalong lahi. Doon na sila ipinanganak at lumaki at kahit itinuturing na silang ganap na Amerikano, nananalaytay sa kanilang dugo at ugat ng kanilang mga magulang o ninuno na nagmula pa sa ibang bansa.
Marami sa kanila ang naging propesyonal, nagtagumpay sa pinasok nilang larangan at namumuhay sa kinagisnan nilang kultura pero sa paglalayag nila sa kanilang buhay, hindi nawawaglit sa kanilang kamalayan ang pinagmulan ng kanyang katauhan.
Halimbawa na ang isang Amerikanong hukom na si Eve Cho Guillergan sa New York sa United States. Bukod sa pagiging isang Amerikano, isa rin siyang Ilongga at Koreano.
Lahing Pilipino at Karaniwan na sa Amerika ang mga mamamayan nito na merong magkakahalong lahi. Doon na sila ipinanganak at lumaki at kahit itinutu-
ring na silang ganap na Amerikano, nanana-
laytay sa kanilang dugo at ugat ng kanilang mga magulang o ninuno na nagmula pa sa ibang bansa.
Marami sa kanila ang naging propesyonal, nagtagumpay sa pinasok nilang larangan at namumuhay sa kinagisnan nilang kultura pero sa paglalayag nila sa kanilang buhay, hindi nawawaglit sa kanilang kamalayan ang pinagmulan ng kanyang katauhan.
Halimbawa na ang isang Amerikanong hukom na si Eve Cho Guillergan sa New York sa United States. Bukod sa pagiging isang Amerikano, isa rin siyang I-
longga at Koreano.
Lahing Pilipino at Koreano si Guillergan na nanumpa noong Abril 8, 2026 bilang hukom sa Queens boroughs, New York City makaraang mahalal sa naturang posisyon sa halalan doon noong Nobyembre 2025.
Ayon sa Filipino Reporters, maraming residente sa Queens ang nakakakilala kay Judge Guillergan na tahimik pero laging nakangiti at mabilis na reputasyon sa pagtulong sa mga immigrants. Pamilyar ang mukha niya sa mahahalagang okasyon ng kanyang komunidad.
Binabanggit sa ibang ulat na si Guil-
lergan na isang immigration attorney at legal community leader bago naging huwes ay gumugol ng 30 taon sa pagkilos para sa mga immigrants.
Bago pa ang kanyang inagurasyon bilang hukom, agad siyang naging abala sa loob lamang ng 56 na araw, nagdesisyon sa 656 kaso at 402 motions. Itinuring siyang kauna-unahang Ko-
rean-Filipino-American judge sa New York,
Kasama ni Guillergan sa oras ng kanyang panunumpa bilang hukom ang asawa niyang si Harry Andree, kapatid na si Jeffrey Cho Baker, Young Sin Ji, at pamangking si Joseph Fernandez.
Sinasabi sa mga ulat na 12 anyos pa lamang si Guillergan nang dumating sila ng kanyang ina sa United States. Isang Koreana ang kanyang nanay habang ang tatay niya ay isang Pilipino na nagmula sa Iloilo City dito sa Pilipinas. Nagkakilala ang kanyang mga magulang sa Korea na pinagtrabahuhan ng kanyang ama. Lumaki ang kanyang ina sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Korea. Isinama siya nito sa Amerika nang makapangasawa ito ang isang sundalong Amerikano na beterano ng giyera sa Vietnam.
Gayunman, ipinagmamalaki ni Guillergan ang pinagmulan niyang lahi. Itinuro sa kanya ng namana niyang dalawang kultura ang kaugaliang bayanihan ng mga Pilipino at ang pagiging matiyaga at mapagkalinga mula sa koreana niyang ina. “Malaking karangalan na katawanin ang mga Koreano at Pilipino sa aking tungkulin,” wika niya sa Ingles sa ilang panayam.
Pinupuri niya ang suporta sa kanya ng mga community leader tulad ni Assembly member Steven Raga na unang Filipino-Ame-
rican na nahalal sa New York State Le-
gislature. Umaasa siya na ang tagumpay niya ay magsisilbing daan para mas maraming Filipino-Americans ang pumasok sa abogasya. Inspirasyon siya para sa ibang Filipino at Asian-Americans na gustong magserbisyo sa publiko.
- Latest















