^

PSN Opinyon

Pang-press release lang?

- Al G. Pedroche -

KAMAKAILAN, inireklamo sa atin ng ilang naglilingkod sa Bureau of Customs ang demoralisasyon sa ahensya dahil sa pagkaka-promote bilang customs collector ng isang anila’y “hindi kuwalipikado.” Ang tinutukoy natin ay ang bagong talagang Customs Collector ng Port of Manila na si Rogel Gatchalian na marami umanong na-bypass na mas kuwalipikado.

Sabi ng mga taga-adwana, natuwa na raw sila dahil sa balitang binawi na ng Department of Finance ang appointment ni Gatchalian. Pero nagmamarakulyo pa rin sila dahil hangga ngayon ay naroroon pa rin at naka-upo sa katung­kulan si Gatchalian.

“Wala yatang planong mag-alsabalutan si Gatchi” anila. Ni wala pa daw appointed na kapalit niya. Wala pa ring linaw kung saan siya ililipat.

Kaya napapakamot-ulo daw sa ganitong siste ang   mga customs broker, importer, truckers, career emplo­yee at mga negosyante, porke tila sa diyaryo lang nang­yari ang pag-withdraw sa appointment ni Gatchalian.   

 “Ano ba iyan, hanggang press release lang?” tanong ng mga customs men na atat nang mapatalsik sa puwesto si Gatchi.

 Marami ang nagprotesta sa appointment ni Gatcha-lian bilang hepe ng POM.  Nadaan umano sa palakasan ang mala-kidlat na promosyon niya.  Hindi na raw igina­lang ang selection process.

 Wala pa raw tatlong taon si Gatchalian sa serbisyo (nag-umpisa siya noong 2007 lamang) at agad itong na-ging customs collector VI ng  isa sa pinakamalaking pantalan pa. First in history daw ito na ang isang  kawaning walang sapat na karanasan at paghahanda ay nahirang sa gani­tong   kataas at sensitibong pu­westo.

 Sey ng mga nagrekla­mo, hindi raw kwalipika-   do sa posisyon si Gat­cha­lian dahil hindi Career Executive Officer (CESO) na siyang hinihingi ng na­sa­bing posisyon. Wala din daw itong ni katiting na karana­san sa assessment at customs operations.

Super-lakas daw ang padrino kaya daw ultimong si Customs Commissioner Napoleon Morales ay di makapalag.

Tsk, tsk…iyan ang isang sakit na dapat nang ma­bago sa ating lipu­nan: PALAKASAN.

vuukle comment

CAREER EXECUTIVE OFFICER

CUSTOMS

CUSTOMS COLLECTOR

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

DEPARTMENT OF FINANCE

GATCHALIAN

GATCHI

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with