^

PSN Opinyon

Alvin Flores Group, sumalisi sa Harrison Plaza!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KASAGSAGAN nang pagiging abala ng mga alagad ng batas at iba’t ibang ahensiya ng otoridad sa pagtulong sa rescue at relief operations sa mga biktima ng bagyong “Ondoy”, isang grupo naman ang sumalakay sa Maynila.

Etong grupo na mas matindi pa sa bagyo kung man­limas ng kabuhayan ng mga establisyamento’t negosyo ng ating mga kababayan.

Daig pa ang bagyo sa lakas ng apog na manloob at magsagawa ng krimen sa panahong nagdadalamhati   ang karamihan sa mga Pilipinong naapektuhan ng kata­tapos lamang na kalamidad.

Kahapon ng madaling-araw, sumalakay ang notor-    yus na grupo ng Alvin Flores Group sa Harrison Plaza         sa Maynila. Tinatayang P9 milyon daw ang natangay ng grupo.

Ano pa nga ba ang kanilang estilo, sa mahigit 10 ar­madong kalalakihan ng grupong ito, pawang mga naka­suot pa rin ng unipormeng pampulis, SWAT at mga kasu­otang may BITAG na nakalimbag sa kanilang likuran.

Habang abalang-abala ang tunay na grupo ng BITAG sa pagsusuplay ng tubig, kandila at posporo sa mga    lugar na hindi pa naaabot ng mga donasyon at tulong sa Cainta, Rizal at Pasig, abala rin pala ang kolokoy na si Alvin Flores at kanyang grupo.

Pinuslitan maging ating mga kapulisan, alam na wa­lang nakamatyag at nakabantay sa mga magaganap na krimen sa lansangan dahil nakatuon ang pansin ng lahat sa pagsaklolo sa ating mga kababayan.

Hindi na nga inaasahan ng ating pamahalaan ang dulot ng sakunang ito sa ating bayan kaya’t hindi man diret­sahang aminin ay “nangarag” ang buong Pilipinas.

Eto’t sinabayan pa ng mga hinayupak at putok sa buhong mga hold­ aper na imbes ma­katu­ long sa kap­wa at sa eko­nomiya ay dag­­­dag pa sa alala­ha­nin at pro­ble­ma sa ating bansa.

Tipo ng grupong ito ang hindi dapat pina­tatagal sa ating lipunan, inuubos at hindi bini­bigyan ng puwang na gumala sa lansangan.

Malamang ay nag­-ha­­ha­lakhakan ang mga hung­hang na ito dahil na­kapuslit sila sa ka­nilang panloloob ha­bang naka­talikod ang mga otoridad.

Ano naman kaya ang masasabi ng pam­­ban­sang kapulisan? Tsk-tsk-tsk!

vuukle comment

ALVIN FLORES

ALVIN FLORES GROUP

ANO

ATING

CAINTA

HARRISON PLAZA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with