^

PSN Opinyon

Libro ng nars at health workers

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Mahirap ang trabaho ng mga nars, doktor at health workers. Ito’y dahil buhay ng tao ang kanilang inaalagaan. Hindi sila puwedeng magkamali at baka manganib ang pasyente.

Dahil dito, kailangan nila mag-aral ng matagal at magbasa ng madaming libro. Ang problema lang ay karamihan ng libro ay gawa sa ibang bansa, at medyo hindi angkop ang gamot at laboratory tests na itinuturo dito.

Medicine Blue Book: Ang libro para sa Pinoy

Ang Medicine Blue Book ay nasa pitong edition na (7th Edition) at isinulat ng mga tanyag na Pilipinong doktor at nars. Kasama dito ang mga PGH specialist doctors tulad nina Dr. Camilo Roa, Dr. Elizabeth Montemayor, Dr. Clemente Amante at iba pa. Ang nursing chapter naman ay sinulat ni Nurse Rhoda Redulla na dating propesor sa nursing.

Kaya kung ika’y nag-aaral ng nursing, nasa librong ito ang mga tips tungkol sa mga sakit at gamutan. At simpleng-simple lang ang pagkasulat. Tinatalakay dito ang mga sakit sa puso, sakit sa baga, sakit sa tiyan, arthritis at marami pang iba.

Sa Medicine Blue Book, puro pang-Pinoy lang ang nakasulat. Lahat ng laboratory tests at gamot dito ay nabibili sa Pilipinas. Nakalista rin dito ang mga mura at epektibong brand names ng mga gamot, para makatulong sa mga pasyente.

Nutrition tips

May dagdag pang Nutrition chapter ang Medicine Blue Book kung saan na­kasaad ang mga pag­kaing dapat iwasan at dapat kainin ng mga pasyente. May Food List o lista ng diyeta para sa mga may diabetes, sakit sa bato, arthritis, mataas ang ko­lesterol, nagpapapayat at para rin sa gustong tumaba.

Mabibili ang Medicine Blue Book sa lahat ng National Bookstores. Kung nais ninyong umorder ng mga kopya para sa inyong kaibigan, puwede itong mabili ng 40% discount o P150 lang sa bawat kopya. Mag-text lamang sa 0916-732-8618 para mag-order.

Good luck po!

vuukle comment

ANG MEDICINE BLUE BOOK

DR. CAMILO ROA

DR. CLEMENTE AMANTE

DR. ELIZABETH MONTEMAYOR

MAY FOOD LIST

MEDICINE BLUE BOOK

NATIONAL BOOKSTORES

NURSE RHODA REDULLA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with