Sexually-transmitted disease
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong () - January 8, 2009 - 12:00am

Magandang araw po Doc Willie! Ako po’y may idudulog sa inyong problema. Nakagamit po ako ng bayarang babae, makalipas ang limang araw, may napansin po ako na mga “greenspots” sa aking brief, at medyo sumakit ang aking pag-ihi na parang lagi akong may balisawsaw. Nagkatulo po yata ako. Doc Willie, may nagpayo sa akin na uminom ng “ciprofloxacin”. Uminom po ako nito, kumonti ang mga spots ko pero hindi nawala. Ngayon dumami ulit ang tulo ko.

Ako nga po pala’y may-asawa at 2 anak. Pinagsisisi-han ko na ang aking mga ginawa. Sana po’y matulungan nyo ako. God Bless! – Anonymous

Dear Anonymous,

Salamat sa liham mo. Sa kuwento mo ay mukhang nagkaroon ka ng gonorrhea o tulo, isang sexually-transmitted disease.

Ang gonorrhea ay dahil sa bacteria na Neisseria gonorrhea. Naninirahan ito sa vagina, cervix (kuwelyo ng matres), matres at fallopian tubes ng babae. Nasa daanan ng ihi (urethra) naman ito ng kalalakihan. Puwedeng lumipat ang gonorrhea sa bibig, lalamunan, mata at puwit ng tao! Grabe ang kamandag ng sakit na ito.

Makukuha and gonorrhea sa pagtatalik. Kapag hindi ito ginamot, puwede ito magdulot ng pagkabaog (sterility), at puwede ring kumalat sa dugo at kasu-kasuan (joints). May namamatay dito.

Tama lahat ang mga sintomas na ikinuwento mo tungkol sa tulo. May maputi, madilaw o maberdeng likido na tumutulo sa ari o vagi-na. Masakit ang pag-ihi na parang binabalisawsaw.

Heto ang mga gamot na ibinibigay ng doktor. (Mag­pakonsulta muna sa isang Urologist o OB-gynecologist para matiyak ang sakit.)

1. Ciprofloxacin 500 mg tablet, 2 beses sa isang araw. Puwedeng uminom ng 3 araw. Bawal ito inumin ng edad 18 pababa. (Dahil matitindi na ang mga klase ng gonorrhea ngayon, min­san ay hindi na ito epek­tibo.)

2. Sa mga seryosong kaso, tinuturukan ng Cef­tria­xone 125 o 250 mg injections sa loob ng masel (intramuscular).

3. May pagkakataon na hindi lang gonorrhea ang sakit ng pasyente. May kahalo pa itong Chlamydia, isa pang sexually-trans-mitted disease. Ang gamot     sa Chlamydia ay Doxy-    cycline 100 mg tablet, 2 beses sa isang araw. Inu­min ng 7 araw.

Paano makaiiwas sa sexually-transmitted disease?

1. Huwag makipag­talik sa ibang babae (o lalaki).

2. Gumamit ng condom para mabawasan ang    tsan­sang mahawa.

At sana naman ay ma­tuto na ng leksyon at ma­ging matapat kay Misis. Kawawa naman si Misis at baka mahawa pa siya sa sexually-transmitted disease. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. God bless din!

* * *

(E-mail: drwillieong@gmail.com)

AKO CHLAMYDIA DEAR ANONYMOUS DOC WILLIE GOD BLESS GONORRHEA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with