^

PSN Opinyon

Atungal ni Mayor Cuerpo at ng kanyang mga kampon!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KAKAPALAN talaga ng mukha ang pinairal ni Mayor Pedro Cuerpo ng Montalban, Rizal at ng kanyang mga kampon na kotongero sa Bahala si Tulfo at BITAG!

Kahapon, sa aming programang Bahala si Tulfo sa UNTV, inulan kami ng mga texts at tawag galing umano sa mga kampon ni Cuerpo na hindi raw patas o bias ang aming grupo.

Atungal pa ng mga ito na hindi raw namin binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang kanilang mayor hinggil sa kontrobersiyal na P20 na sinisingil sa mga bumibiyaheng FX ng kanilang bayan.

Isa si Efren Chua at isa pang asungot nito ang nagmagaling na humarap sa aming grupo. Baluktot na katwiran lang naman ang itinapat sa aming mga katanungan hinggil sa ginagawang pangongotong ng mga tauhan ng munisipyo.

Naghintay pa ng bulabog ang mga hinayupak bago sila ngumawa e puwede namang nung mismong araw na iyon ay humarap ang inyong guwapong alkalde at magpaliwanag.

Bahala si Tulfo
at BITAG na ang magsassabi sa inyo, halos napudpod na ang mga daliri namin sa katatawag sa inyong bayani. Pero mistula kaming naghahanap ng tubig sa gitna ng disyerte.

Intindihin ninyo at iduldol sa mga kukote n’yo, maraming paraan at beses naming binigyan ng pagkakataong makuha ang pahayag ng inyong pinagtatanggol na mayor.

Halos pumuti na ang uwak bago kami makatanggap ng reaksiyon at galing pa sa mga umaatungal na tiyanak ng munisipyo ng Montalban.

Hindi atungal ninyo ang gusto naming marinig kundi ang PALIWANAG ni MAYOR PEDRO CUERPO. Siguro nama’y hindi mahirap basahin sa kolum na ’to ang mensahe na nais naming ipaabot.

GAWA
at hindi NGAWA ang dapat ninyong atupagin dahil ganito rin kami magtrabaho!

Nananatiling bukas ang Bahala si Tulfo at BITAG sa matuwid na paliwanag ukol sa isyung ito. Siguraduhin n’yo lang na katotohanan at may katuturan ang inyong mga kasagutan.

Dahil hindi kami naghihintay sa wala!

vuukle comment

ATUNGAL

BAHALA

BALUKTOT

DAHIL

EFREN CHUA

MAYOR PEDRO CUERPO

MONTALBAN

TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with