^

PSN Opinyon

Nagkalat sa bangketa ang malalaswang babasahin at VCDs

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NASAAN na ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa malalaswang babasahin. At nasaan na rin ang Video Regulatory Board na nanghuhuli sa mga nagtitinda ng mga malalaswang CDs?

Wala pang isang buwan lang ang nakararaan ay naging mahigpit ang laban kontra pornography sa mga diyaryo at magazines. May mga publications na pinad-lock. Ang mga nasamsam na porno materials ay sinunog. Subalit ngayon balik na naman sa mga newstands at mga bangketa ang malalaswang babasahin. May mga retrato ng mga seksing artista at mga lalaking modelo na hubo’t-hubad at mga larawan din ng mga magkakaparehang nagtatalik. Isang tabloid ang halos ay mapuno ng larawan ng mga nagse-sex at mga lathain na magpapa-init ng laman ng mga mambabasa. Hindi lang mga Pinoy kundi mga dayuhan lalo na ang mga porno stars sa mga x-rated na video ay nalathala na rin.

Ang tanong ng BANTAY KAPWA ay ito: Bakit patuloy ang pagbebenta ng malalaswang babasahing ito? Ningas kugon lang ba ang kampanya ng gobyerno laban sa mga smuts at pornography na masama at malaki ang pinsalang dulot lalo na sa ating mga kabataan?

vuukle comment

BAKIT

ISANG

MALALASWANG

NINGAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINOY

SUBALIT

VIDEO REGULATORY BOARD

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with