^

PSN Opinyon

Pagdakip sa mga ‘big fish’ bago 2027, inaabangan

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Naging sentro ng atensyon ang ipinahayag ni De­partment of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na bago ang 2027 ay ma­bibingwit na nila ang mga high profile fugitives sa bansa.

Nang usisain kung maisasakatuparan ba ito bago sumapit ang 2027, isang maikli ngunit puno ng pag-asang “Sana, sana” ang isinagot.

Sa listahan ng mga pinaghahanap ng batas, ma­bibigat na pangalan ang nakabinbin tulad nina Se­nador Ronald “Bato” dela Rosa, negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, dating kinatawan Zaldy Co, at dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

Sa mata ng karaniwang mamamayan, ang pagpapatupad ng batas ay hindi dapat nagtatapos sa mga press conference o sa mga pahayag na “muntikan na”.

Bagama’t nauunawaan na ang mga taong ito ay may kakayahan, koneksyon, at yaman upang mag­tago—mapa-ibang bansa man o sa mga liblib na lugar—ang tagal ng paghihintay ay unti-unting sumu­subok sa pasensya at tiwala ng taumbayan sa sistema ng hustisya. Ang mga natitirang linggo bago ang Bagong Taon ay magsisilbing tunay na pagsubok sa liderato ni Remulla.

Sa pagpasok ng 2027, hindi na sapat ang mga salitang “abang lang kayo” o “sana.” Ang hinihintay ng bayan ay kongkretong aksyon: mga posas na nakakabit na, mga kasong umuusad sa korte, at ang malinaw na patunay na walang sinuman ang nakahihigit sa batas, gaano man kalawak ang kanilang impluwensya.

Habang patuloy na naipapataw ang batas sa mga ordinaryong mamamayan, nakikita ng publiko na ma­laya pa ring nakagagalaw o nakapagtatago ang mga maiimpluwensyang tao.

Kaya ang pahayag ni Remulla na may maaaresto bago sumapit ang 2027 ay hindi lamang simpleng ulat. Hindi na sapat ang mga pangakong “good results will come soon”.

Ang tanging magpapatunay na pantay ang timba­ngan ng hustisya ay ang aktuwal na paghaharap sa hukuman ng mga matagal nang pinaghahanap ng batas.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with