^

PSN Opinyon

4 na guwapong DI,ginawang empleyado ng gobernadora

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang ginawa nang empleyado sa kapitolyo ng isang probinsiya ang apat na kabataan at guwapong dance instructors (DI)?

Ayon sa aking bubuwit, 42 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay Bro. Col. Romy Gan, Dr. Walter Juarez, Gen. Jefferson Soriano, Danny Cordovez, Sis. Beverly Panlilio, Helen Cenal, Tess Tuisa at Perlita Galope ng OPS-Malacañang.
* * *
Alam n’yo bang may apat na DI ang isang gobernadorang mahilig sa ballroom dancing?

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa sobrang hilig nito sa sayaw ay hindi na niya binitiwan ang apat na guwapong dance instructors.

Ang ganitong hilig ng lady official ay alam na rin sa kanilang probinsiya, kaya tuwing may mga programa, isinisingit na ngayon ang ballroom dancing sa kanilang activities.

At kapag may dinadaluhang affair si Madam, siguradong kasama rito ang apat na MIB.

Ito yung mga DI na parating nakasuot naman ng kulay black. Black pants at black shirts na hapit na hapit sa kanilang katawan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ballroom dancing ang pinaka-therapy ni gobernadora. Kumpleto na ang kanyang araw kapag siya ay nakapagsayaw.

In fairness naman kay Gobernadora, kahit amoy lupa na siya, magaling talagang sumayaw. Maliksi pa rin siya at malambot ang kanyang katawan. At napaka-graceful siyang panoorin lalo na kapag pinapaikut-ikot siya ng kanyang DI.

Siguro, dahil mga bata pa at guwapo ang kanyang mga DI ay feeling din ni Gobernadora ay bata pa siya.

Sino kaya ang favorite ni Gobernadora doon sa apat na guwapitong DI niya? Ano ba ang paborito ninyong sayaw, Gobernadora, cha-cha, boogie, swing, tango o very sweet?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung umasta ngayon si Gobernadora ay parang nagmumurang kamias. Kahit amoy lupa na siya, kahit paga-sitenta anyos na siya, siya naman ay talagang maalaga sa katawan.

Ayon sa aking bubuwit, wala naman sanang problema kahit araw-araw o gabi-gabi pang mag-ballroom dancing si Gobernadora kung sarili niyang pera ang ginagastos sa mga DI.

Ang malungkot na parte rito, ang ipinambabayad pala ni Gobernadora sa mga DI ay pondo ng probinsiya.

Ang apat na DI ay ginawa nang casual employees sa Kapitolyo.

Naku, Gobernadora, baka makasuhan ka ng graft?

Ayon sa aking bubuwit, ang matandang gobernadora na addict sa ballroom dancing ay si...

Mahilig din pala sa mahjong si Gobernadora.

Siya ay si Gob. S.C. as in Salsa Curacha ng Visayas.

vuukle comment

AYON

BEVERLY PANLILIO

DANNY CORDOVEZ

DR. WALTER JUAREZ

GOBERNADORA

HELEN CENAL

JEFFERSON SORIANO

PERLITA GALOPE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with