^

PSN Opinyon

Bakbakang umaatikabo sa ilang bahagi ng Mindanao

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MATINDI ang upakan sa Mindanao sa pagitan ng AFP at MILF. Hindi nilulubayan ng AFP ang teroristang MILF. Walang atrasan, ika nga!

Parang mga dagang naghahanap ng kanilang bagong lungga ang MILF dahil alam nilang hindi sila lulubayan ng pusa na kakain sa kanila nang buhay. Dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng militar sa teroristang grupo, hindi na ito makaugaga sa kabobotak.

Ika nga, matira ang may resistensiya! Sa tindi ng inabot ng MILF, sa bagsik ng militar, kanya-kanya ito sa paghahanap ng lungga para makaligtas sa karit ni Kamatayan. Isang maliit na grupo na lamang ang mga muklo nagkaloko-loko na sila sa kabobotak kaya hayun nagkahiwa-hiwalay na sila ng landas. Run for your life!

Tama ang desisyon ni Prez Gloria na pulbusin at durugin ang mga terorista, marami na itong pinerwisyo pati mga civilian ay hindi nila pinatawad kaya hayun, 6 feet below the ground ang ilan sa kanila.

Sila ang may kasalanan inubos nila ang pasensya ni Prez kaya magdusa sila. Siguro guerilla type na ang operasyon ng militar sa ilang lugar diyan sa Mindanao. Ika nga, tao, tao na lang!

Talagang magaling ang Philippine Army!

Mabuhay ka! General Gregorio Camiling at ang mga tauhan mo sana ipagpatuloy ninyo ang maganda ninyong gawain laban sa mga terorista. Nasa likod ninyo ang sambayanan!

Sa mga pulitikong pulpol, huwag na kayong pumapel, hayaan ninyong madurog ang terorista para matapos na ito. Baka sa pamilya ninyo pa ito mangyari, sana huwag naman.

Ok si Congressman Butch Pichay sa kanyang mga pahayag na lambatin ang mga terorista. Mabuhay ka, Butch!

Alam kasi ni Pichay ang mga sinasabi niya kasi laging Mindanao ito nakita niya ang mga kagaguhang ginagawa ng tarantado doon kahit noong bata pa siya.

"Kung babalewalain ng gobyerno ang kagaguhan ng mga muklo baka maubos ang tao sa Mindanao," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Ano ba sa palagay mo ang mabuti?"

"Siguro mas maganda kung susuko na lang ang mga gago."

"Paano ang reward?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Iyan ang pag-usapan natin, he-he-he!"

vuukle comment

CONGRESSMAN BUTCH PICHAY

GENERAL GREGORIO CAMILING

IKA

MABUHAY

MINDANAO

PHILIPPINE ARMY

PREZ GLORIA

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with