^

PSN Opinyon

Buwagin na ang United Nations

- Al G. Pedroche -
SA RADYO’T telebisyon, naririnig pa rin ang mga survey kung pabor ba o hindi ang taumbayan sa digmaang inilunsad ng Amerika at Britanya laban sa Iraq. May mga panayam pa rin sa mga sektor na tumututol sa naturang digmaan. Nakakakulili na ng tenga.

Tutol din ako sa digmaan
. Pero naririyan na iyan. Tumutol man tayo’t maghihilata sa kalsada sa kapo-protesta, wala tayong magagawa.

Kung ang nagkakaisang tinig ng United Nations ay binalewala ni George Bush, tayo pa kayang ordinaryong mortal? Isang bagay ang pinatunayan ng Amerika. Superpower nga ito.

At kapag "Superpower" ang nagdesisyon, walang makababali. Ang sabi ni Prime Minister Mahathir ng Malaysia, "No single nation should try to please the world."

Iyan mismo ang tingin ng Amerika sa ginagawa nitong pagdurog sa Iraq: Na pinangangalagaan niya at ipinaglalaban ang interes ng lahat ng bansa.

Yaman din lamang na kahit ang liga ng mga nasyon ay kayang salungatin ng isang bansa, dapat siguro’y lansagin na ang United Nations. Inutil na ito.

We can clearly see that America is adhering to the philosophy of mightism. Might is right
ayon sa pilosopiyang ito. Kahit sa tingin ng marami’y imoral ang hakbang, ito’y tama at matuwid basta’t ang ipinaglalaban ay ang lakas ng kapangyarihan.

Ano nga bang layon ng kasalukuyang administrasyon ng Amerika? Langis? Ipakita ang di malulupig na kapangyarihan nito? Kung hindi si George Bush ang Presidente ngayon, mangyayari kaya ang digmaang ito?

Mamamaos lang tayo sa kapo-protesta. Mabubugbog lang ang katawan natin sa hataw ng mga anti-riot police, hindi natin masasawata si Bush at mga kaalyado nito.

vuukle comment

AMERIKA

ANO

BRITANYA

GEORGE BUSH

INUTIL

IPAKITA

ISANG

IYAN

PRIME MINISTER MAHATHIR

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with