^

PSN Opinyon

Pilipino Star NGAYON (Handog sa ika-17 anibersaryo)

- Ni Dadong Matinik -
Pilipino Star NGAYONito’y pahayagan

Na tinatangkilik ng dukha’t mayaman

Itoíy nasusulat sa wikang dalisay

Kaya kung basahi’y di ka maiilang!

May mga dayuhang napadpad sa bansa

Pilipino Star hinanap na kusa;

Dito raw nabasa kanilang adhikaít

Ang pagdalaw nila’y dito nabalita!

Mga estudyanteng nagsusunog-kilay

Sa asignaturang malalim na "science";

Sila’y nagsaliksik Pilipino Star

Ang dyaryong hinanap at pinag-aralan!

Editoral section kung binabasa mo –

Ang mga salita’y mayaman at pino;

Dito ang opinyon ng maraming tao

Ay masasalamin na may layon ito!

Iba’t ibang pitak – pitak ng artista

Kapag tinunghaya’y lubhang naiiba;

Ito ay kumpleto tumpak ang balita

Di eksahirado’t di rin mapagkunwa!

Sa mga balita ay matutunghayan

Ang lagay ng bansa sa katotohanan;

Hindi ito taksil sa kanyang larangan

Pagka’t ito’y lingkod na tapat sa bayan!

Sa kabuuan ito’y makulay na dyaryo

Sa "quality control" ay nagdaan ito;

Color separation ay lubhang perpekto

Kaya kung ibenta’y malinis na ito!

vuukle comment

DITO

KAPAG

KAYA

KUNG

PAGKA

PILIPINO STAR

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with