^

PSN Opinyon

Congressman pinatakbo nang hubo't hubad sa hallway ng hotel

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
Alam n’yo bang nahuli ng isang police officer ang kanyang misis na newscaster na nakikipagtalik sa isang congressman?

At alam n’yo bang pinatakbo ng police officer si Congressman nang hubot hubad at binaril naman nito ang misis na nangaliwa?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Jayjay Romualdo ng Camiguin at Rep. Roan Libarios ng Agusan del Norte.

Binabati ko rin si Danny Isla ng Toyota Motor Philippines; Belle Alba, Tintin Reyes, Mhin at Liza ng Honda at Pompie Crisostomo, Gilda Alcantara at Jerry Go ng PIMA.

Nakikiramay ako sa pagyao ni MW Glenn del Rosario ng Laong-Laan Lodge. Nakaburol ngayon sa Sacred Heart Church, Kamuning, Quezon City.
* * *
Alam n’yo bang nahuli ng isang opisyal ng Philippine National Police ang kanyang misis na newscaster na nakikipagtalik sa isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, matagal na palang sinusubaybayan ng police officer ang kanyang misis dahil kaduda-duda ang mga ikinikilos nito. Lalo pang nagduda ang police officer nang magkaroon ng bagumbagong BMW ang kanyang misis.

Hindi naman malaki ang sahod ni Misis bilang newscaster kaya nagduda ang police officer kung saan ito kumuha ng pera.

Dahil nagduda ang police officer na kinakaliwa na siya ni Misis, humingi ito ng tulong sa kapatid niyang NBI agent.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa hinala ng police officer na nilalagyan siya ni Misis ng ipot sa ulo, nag-usap sila ng kanyang kapatid na NBI agent. Sinubaybayan nila si misis.

Maganda kasi si Misis. Kaya siguro nagkaroon ng pagnanasa si Congressman. Sabi ng aking bubuwit ay Kartada Otso pa rin si Misis. Malakas ang appeal at 28 anyos lang.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil hindi naman magandang lalaki si Congressman, ang ginawa nitong panliligaw kay Mrs. Newscaster ay ang pagbibigay ng mamahaling regalo. At ang isa sa pinakamahal na regalo ni Congressman kay Mrs. Newscaster ay BMW.

Dahil nga sa BMW, bumigay si Misis. Siya ay naging siyota ni Congressman.

Upang maitago ang kanilang session nagpupunta sila rito sa Metro Manila at sa mga hotel dito nila idinadaos ang kanilang pagnanasa sa bawat isa. Ang pinakahuli nilang encounter ay naganap, ilang araw pa lamang ang nakararaan.

At ang exciting na parte rito, walang kamalay-malay si Congressman at Mrs. Newscaster na sinusundan na pala sila ng asawang police officer at NBI agent.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nasundan sa hotel ang dalawa. Nang nasa kuwarto na si Congressman at si Mrs. Newscaster, pinasok sila ni Police officer at ng NBI agent. Presto, huli sa akto ang dalawa.

Dahil sa tindi ng galit ni Police officer binaril nito ang kanyang misis. Babarilin din sana si Congressman subalit pinigil diumano ni NBI agent ang kapatid.

Kaya ang ginawa na lamang ay hindi na pinagsuot ng damit si Congressman. Ito ay inilabas sa kuwarto nang hubot-hubad. Maski brief ay walang itinira. Pinatakbo ito sa hallway ng hotel. Tumakbo naman ang Congressman.

Ang congressman at newscaster na nahuling nagtatalik sa hotel ay sina…

Abangan ang susunod na kabanata.

AYON

CENTER

CONGRESSMAN

DAHIL

MISIS

MRS. NEWSCASTER

NEWSCASTER

OFFICER

POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with