^

PSN Opinyon

Masama bang maligo kapag may 'mens'?

-
Mahigpit na ipinagbabawal ng mga nanay at lola sa mga kabataang babae na huwag na huwag silang maliligo kapag may regla dahil sila’y maloloka. Ito ay maling paniniwala ng matatanda at pinabulaanan ng Department of Education Culture and Sports (DECS) na kamakailan ay naglunsad ng ‘‘School Children’s Feminine Hygiene Awareness Week’’ para sa mga batang babae na umeedad ng 10 at 11 na nagsisimula nang magkaroon ng monthly period o regla.

Ang educational campaign na ito ay naghahanda sa mga kabataang babae upang linawin ang maling kaisipan tungkol sa pagreregla. Gaya ng paniniwala na ang paliligo kapag may ‘‘mens’’ ang babae ay nakababaliw. Napag-alaman na maraming batang babaing mag-aaral na nagkaroon ng mens na tumatakbo at nagkukulong sa bathroom at umiiyak, nahihiya at nangangamba habang tinitingnan ang unang spot of menstrual blood.

Namahagi ang DECS ng mahigpit sa 100,000 information kits para sa mga guro, mag-aaral at school nurses na tinawag na ‘‘starting right’’ na nagsasaad ng kahalagahan ng paliligo araw-araw habang nireregla gayundin ang proper diet, pamamahinga, pagtulog sa tamang oras, pag-eexercise, good grooming, hygiene habits, sanitary protection and socialization sa panahon ng pagreregla.

vuukle comment

BABAE

DEPARTMENT OF EDUCATION CULTURE AND SPORTS

FEMININE HYGIENE AWARENESS WEEK

GAYA

MAHIGPIT

NAMAHAGI

NAPAG

SCHOOL CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with