Matalino kang matsing Val Adriano pero...
April 4, 2001 | 12:00am
Kung matalino man tulad ng matsing itong tinaguriang Metro Manila jai alai bookies king na si Val Adriano, ng Makati City, darating din ang panahon na siyay mapaglalalangan din. Kaya ko nasabi na parang matsing sa talino itong si Adriano dahil sa ginawa niyang pagtaas ng porsiyento ng kanyang mga kabo, ang mga pulis na nagbabantay sa kanyang mga bahay sa Zapiro St., San Andres, Manila at sa San Antonio Village sa Makati City at palaging umuuwing lulugo-lugo. Kasi nga wala silang makitang tao na nagre-remit ng kubransa dahil pina-fax na lamang ang mga ruta at ang bayaran naman ay lingguhan na. Di ba malinis at walang ebidensiya, Interior Secretary Joey Lina, Sir?
Pero para mapaglalangan si Adriano, ang dapat na bantayan ay ang kanyang mga malalaking kabo, huwag silang pakilusin at sa gayon wala siyang makukuhang kubransa. Di ba tama ang suhestiyon ko Metro Manila police chief Deputy Director General Romeo Peña, Sir?
Sa Pasay City ang malalaking kabo ni Adriano ay sina Romy Manarez sa motor pool malapit sa palengke sa Tramo; Cora at Stene; Roger Moling sa Maricaban; Boyet Liit Cuneta sa Park Ave.; Len Aguado sa Pinagbarilan; Lilia sa kanto ng Concepcion at Harisson at Jorge sa M. dela Cruz. Sa Quezon City ay ang isang alyas Castro. Samantalang sa Maynila naman na sakop ni Senior Superintendent Nick Pasinos, hepe ng Western Police District (WPD) ay sina Jojie Marcelo, Obet Ignacio at Andoy dela Cruz.
Aba mayroon ding malalaking kabo si Adriano sa Mandaluyong City na sina alyas Diday ng Juan Luna St., at Elie Kambingan malapit sa open canal. Paano nakaligtas sa private army ni Mayor Benhur Abalos itong sina Diday at Elie?
Ayon sa aking espiya, buwanan kung magbigay ng intelihensiya itong sina Diday at Elie kay SPO1 Felipe Lim Jr., hepe ng anti-vice task force, kayat hindi siya masilip-silip ni Abalos. Totoo kaya ito? Dapat hulihin ni Lim ng personal itong sina Diday at Elie, i-presenta sa media para patunayang malinis siya at walang koneksiyon sa dalawa, di ba mga suki?
Hindi kasi iniinda nitong si Adriano ang malawakang kampanya sa illegal na sugal na iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza dahil sa magandang sistema niya. Ika nga malayo ang ebidensiya sa kanyang katawan. Pero dahil sa pagbubulgar ko ng mga malalaking kabo ni Adriano tinitiyak kong kikilos itong si Mendoza para hulihin sila.
Ewan ko lang kung kaya ni SPO1 Lim ang hamon natin diyan sa siyudad ni Abalos. Ngayon mo ipakita ang lupit ng mga bata mo SPO1 Lim. Hindi ka mahirapang hulihin itong si Diday at Elie dahil nakapaligid palagi ang mga bataan mo sa kanila. At habang patuloy ang pagbubulgar ko laban kay Adriano, tuloy din ang kanyang malakihang pagsusugal ng pera ng bayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest