Yasser, iniyakan angpinagdaraanan nila ni Robb

Kontrobersiyal ang naging pahayag ni Yasser Marta nang aming kumustahin ang kanilang relasyon ni Robb Guinto.
May bulung-bulungang nagkahiwalay na ang magkasintahan. “Kamusta kami ni Robb, Tito Boy? Busy, busy siya. Busy siya sa ginagawa niya, sa priorities niya. Ako, busy rin ako sa trabaho ko ngayon, Delivery Boi. Ayun, ngayon focused muna kami sa kanya-kanya naming ginagawa,” nakangiting pahayag sa amin ni Yasser sa Fast Talk with Boy Abunda.
Naging emosyonal ang aktor sa naging tanong namin na ‘Kayo pa ba ni Robb?’ “Oo, Tito Boy, okay naman. Ano ba ‘yan, wala naman sa plano ‘to eh. Hindi ko alam, Tito Boy, sa totoo lang hindi ko talaga alam. Oo (may pinagdaraanan kami), respeto na lang din sa kanya. Parang ayokong magsalita nang kung ano man, Tito Boy. Sorry, sorry na lang din, pasensya na,” lumuluhang pagbabahagi ng binata.
Umaasa si Yasser na malalampasan niya ang pagsubok na pinagdaraanan ngayon.
Lubos ang pasasalamat ng Kapuso actor sa suportang ipinararamdam ng mga kasamahan sa seryeng Delivery Boi. “’Yon na nga lang din ang tinitingnan ko, Tito Boy. Kasi hindi naman bago. I’ve been in this situation before, ‘di ba? Ang dami ring learnings na natututunan. Saka thankful din ako sa Delivery Boi kasi nandiyan sila para sa akin, production (team), thank you,” emosyonal na paglalahad ng aktor.
David, pangarap maging Jackie Chan at Jet Li!
Natalo ng dalawang puntos lamang ang Team Sparkle na pinangunahan ni David Licauco sa ginanap na Bida Sa Arena: The Rematch sa Cebu kamakailan. “I felt bad, siguro mga 20 minutes akong thinking what I could have done better as a leader. Pero it is what it is, tapos na and let’s move forward. We’re just grateful na naging parte kami ng gano’n. I feel like kung magkaroon kami ng 3rd game, we will win,” bungad ni David sa 24 Oras.
Matatandaang lumahok din ang Pambansang Ginoo sa Hyrox Taipei ilang buwan na ang nakalilipas.
Pansamantalang itinigil ni David ang pagsali sa naturang indoor fitness race. “I went back to weightlifting. Tapos medyo binawasan ko ‘yung running ko. Mostly aesthetic ngayon ‘yung workout ko pero puro buhat. Kasi at the end of the day, I’m an actor not an athlete, ‘di ba? Ito ang trabaho ko. So I have to focus on my body rin,” paliwanag niya.
Bilang paghahanda sa Philippine adaptation ng 2017 Korean drama series na Fight For My Way ay nagte-training na rin ngayon si David ng MMA o mixed martial arts. “Five sessions of MMA and Taekwondo. Brings me back to my old self, na ito ‘yung pangarap ko before. Pangarap ko talaga was maging Jackie Chan, Jet Li growing up, ‘di ba? Mahilig akong manood ng action films,” kwento ng Kapuso actor.
(Reports from JCC)
- Latest

























