Showing ng concert ng SB19, Mantsa at 6 na pelikula, inaprubahan ng MTRCB!

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Movie and Television Review and Cla
ssification Board (MTRCB) ang mga rating ng pitong pelikula at ang screening ng konsiyerto ng isang sikat na Pinoy boy band na ipapalabas ngayong linggo.
Tiniyak ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto na may mapagpipilian ang mga manonood sa mga tampok na palabas, na nakakakuha ng mga rating na Parental Guidance (PG), R-13 at R-16.
Tatlo ay nakakuha ng PG na rating mula sa MTRCB. Ang Detective Conan: Episode Zero ng sikat na anime franchise ay rated PG. Tampok dito ang mga boses nina Minami Takayama at Wakana Yamazaki. Ito ay mapapanood lamang sa SM Cinemas.
Ito ay isang detective/mystery adventure anime, ngunit ang “murder, blood, threatening criminal activity, and poisoning sequence” ay nangangailangan ng patnubay ng magulang.
Ang 1988 na animated movie na The Land Before Time ay nakakuha rin ng PG rating. Bida rito sina Pat Hingle, Gabriel Damon at Helen Shaver.
Ang SB19 Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale ay rated PG at eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas.
Ang gawang-Pinoy na Mantsa ay may R-13 rating dahil sa tema nito na mental health, trauma, depression, guilt at mental anxiety. Bida rito sina Pilar Pilapil, Shira Tweg, Gelli de Belen, Khai Flores, atbp.
Ang The Social Reckoning, isang drama na tampok si Mikey Madison, ay rated R-13.
Isa pang rated R-13 ang Japanese horror movie na Hyoketsu: The Curse of the White Lady na pinagbibidahan ni Hiromitsu Kitayama.
Ang action sci-fi flick na Killing Machine na tampok si Dave Mantel ay rated R-13. Ito ay dahil sa “mature science-fiction and dystopian themes involving a deadly pandemic, corporate oppression, armed rebellion, illegal medical experimentation on a child, and a dangerous biological mutation.”
Ang supernatural horror movie na Other Mommy na pinagbibidahan ni Jessica Chastain ay nakakuha ng rating na R-16.
Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.
Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.
Wala kaming nakuhang feedback kahapon kung alin sa mga pelikulang nabanggit ang pinilahan.
Sa totoo lang, maraming pelikula, ang mga nanonood ang kaunti.
Or baka rin may hangover pa sila sa ginanap na CinePanalo Film Festival na mas dumami na ngayon ang pinapalabasang pelikula.
- Latest
























