Trike drivers makakabili na ng P20 bigas

MANILA, Philippines — Simula sa susunod na buwan ay maaari nang makabili ng P20 bigas ang mga tricycle driver sa ilalim ng programang “Benteng Bigas, Meron Na!” ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ito’y matapos na ihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na isasama na sa food program ang mga tricycle driver alinsunod naman sa listahan ng Department of Transportation and Communication (DOTr).
Isa sa pilot area para rito ay ang Navotas City na mayroong nakalistang 4,000 accredited drivers.
Ang naturang programa ay unang inilunsad para sa solo parents, senior citizens, 4Ps beneficiaries, at PWDs gayundin sa mga minimum wage earners, magsasaka ng palay, mangingisda at Jeepney drivers.
Nakalinya ring isama sa makikinabang sa programang ito ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng DSWD at mga kawani ng Department of Education na mababa ang sahod.
- Latest


















