^

Metro

Holdaper ng stude, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Holdaper ng stude, timbog
Positibong itinuro ng 15-anyos na biktima ang suspek na si Brando Ve­neracion, 30, ng Tambunting, Sta. Cruz, Maynila, na siyang nangholdap at tumangay sa kaniyang cellular phone. Sa ulat ng Manila Police District-Special Operations Unit, naglalakad mag-isa ang biktima papasok sa kaniyang paaralan at  pagsapit sa kanto ng Rizal Avenue at Abad Santos St., sa Tondo ay biglang sumulpot ang suspek at tinutukan siya ng baril.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang holdaper makaraang makorner ng isang pulis na agad na rumesponde sa paghingi ng saklolo ng  high school student sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Positibong itinuro ng 15-anyos na biktima ang suspek na si Brando Ve­neracion, 30, ng Tambunting, Sta. Cruz, Maynila, na siyang nangholdap at tumangay sa kaniyang cellular phone.
Sa ulat ng Manila Police District-Special Operations Unit, naglalakad mag-isa ang biktima papasok sa kaniyang paaralan at  pagsapit sa kanto ng Rizal Avenue at Abad Santos St., sa Tondo ay biglang sumulpot ang suspek at tinutukan siya ng baril.

Tinangay ng suspek ang kaniyang gamit na cellular phone na nagkakahalaga ng P5,000 at mabilis na tumakas.  Nagsisigaw ng saklolo ang dalagita at nakuha ang atensyon ng pulisya.

Nakorner ng pulis ang suspek sa tulong na rin ng taumbayan at narekober ang cellphone ng dalagita.  
Nakaditine ngayon sa MPD-DSOU custodial jail ang suspek na nahaharp sa kasong Robbery Holdup sa Manila City prosecutors office.

vuukle comment

KALABOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with