Obrero hulog sa gusali habang imiihi, patay
MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker matapos na mahulog habang umiihi kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.
Dead-on-arrival sa ospiyal ang biktimang si Roland Pinoliad, 37, stay-in sa No. 41 Halcon II St., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.
Batay sa pagsisiyasat ni PSSg Remcel Jugarap ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa construction site sa 41 Halcon II St., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.
Nabatid na nag-iinuman sa naturang construction site ang biktima kasama ang katrabaho na si Ronald Mondrago, 28, nang tumayo ang una upang umihi.
Dala ng kalasingan, bigla umanong nahulog ang biktima mula sa 3rd floor at lumagapak sa ground floor.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at barangay upang magsagawa ng imbestigasyon.
Nadala pa sa ospital ang biktima subalit binawian din ng buhay.
- Latest