^

Metro

Kahit liyamado, Peña kayod pa rin sa pagbabalik sa kongreso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit milya ang layo sa kanyang kalaban, patuloy na pinagbubuti ni Makati Congressman Kid Peña ang kanyang trabaho sa Kongreso  at nasasakupang distrito.

Si Peña na nahaharap sa kanyang pinakamagaang na laban bilang re-electionist congressman ay patuloy na nag-iikot sa kanyang distrito upang alamin ang kalagayan ng kanyang mga ka-distrito para magawaran ito ng karampatang tulong sang-ayon sa kanilang pangangailangan.

Bagama’t marami ang umuudyok na tagasuporta na siyaý bumalik ng Makati City Hall, mas pinili ni Peña ang pakikipagkasundo sa kasalukuyang liderato ng lungsod upang ganap na madaluhan ang pagbangon ng kaniyang mga kababayan kung saan karamihan sa mga ito ay hinagupit ng COVID-19 pandemic.

“Isantabi na po natin ang pulitika para sa kapakanan ng ating kababayan. Kapag walang sigalot sa mga namumuno sa bayan, lahat ng suliranin ng mamamayan ay matutugunan anumang oras at sa lahat ng panahon, may pandemiya man o wala,” ani Peña.

Sa patatapos na 18th Congress, isa si Peña sa mga representanteng may maraming naihain na batas sa kabuuang 92 bilang primary author, habang meron pa siyang 82 bills bilang co-author. Karamihan sa mga ito ay naipasa na at lubusang pinakinabangan, hindi lamang ng taga Makati kundi ng iba pa nating kababayan.

Si Peña na nakasandig sa kanyang plataporma na ‘Since Day One Nakaalalay’ ay nangakong pasisiglahin ang mga nanamlay na sector noong kasagsagan ng pandemya. Gayundin, patuloy siyang makikipagtulungan sa Team United ni Mayor Abby Binay para maihatid ang kasiya-siyang serbisyo sa mga residente ng Makati.

vuukle comment

KID PEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with